ohoooookward

ano ang awkward?

sa isang bar sa alabang.
mga tauhan
1. ikaw
2. babaeng nalink sa ‘yo dati
3. kasalukuyang boyfriend ng babaeng nalink sa ‘yo dati
4. kapatid ng babaeng nalink sa ‘yo dati
5. boyfriend ng kapatid ng babaeng nalink sa ‘yo dati

1. ‘yung habang naguusap kayo ng kasalukuyang boyfriend ng babaeng nalink sa ‘yo dati, pinag lagay ka ng babaeng nalink sa ‘yo dati ng pulutan sa platito.
2. ‘yung habang iniaabot mo ‘yung lighter sa babaeng nalink sa ‘yo dati, aksidenteng nagkahawakan kayo ng kamay.. ilang dangkal ang layo sa mukha ng boyfriend ng babaeng nalink sa ‘yo dati.
3. ‘yung nagkakalokohan sa basketbol at alam ng lahat na hindi ka marunong nun:

babaeng nalink sa ‘yo dati: ‘yan si cabron ang magaling sa basketbol!
boyfriend ng babaeng nalink sa ‘yo dati: magaling bang magshoot?!
…… katahimikan.

ohoooookward!

Shares 0

0 thoughts on “ohoooookward”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *