ok, happy new year na lang my ass!

hindi naman ako masamang tao na maghahangad ng masama sa isang taong naging bahagi rin ng buhay ko, pero sana lang kung may maganda mang nangyayari sa buhay mo wag mo ng iparating sakin, kung sa tingin mo naka moved on ka na, pwes’ di mo na kailangang patunayan sakin yun.. maayos akong nag pm sa messenger kanina

 JON: kamusta?
 EX: ok lang, kaw?
 JON: ok lang din.. balita ko in demand ka daw ah?
 EX: sus! di totoo yun
 JON: o sige na baka nakakaistorbo na at sabihin pa nandadaya ako na kinakausap ka ng walang appointment…
ang lukaret na babae sumagot!
EX: ok, happy new year na lang.

– tama ba namang patulan yung sinabi ko? kung isa kang babaeng may pagpapahalaga sa pinag samahan nyo, ang tamang sagot dyan “ sus hindi naman, okei lang, la din naman akong ginagawa..” o kaya kung medyo gusto mong lumabas na malambing “yabang mo naman, jon.. kaw pa, lagi naman akong may time sayo” or kung talagang ayaw mo na kong kausap “ngeks, di naman jon medyo busy lang, pero dyan ka lang.. pagkatapos ko nito usap tayo” .. pag ganyan kahit hindi mo na ko balikan, maiintindihan ko, at hindi sasama ang loob ko’ pero yung putulin mo yung usapan sa  ok, happy new year na lang, malaking kabastusan yan, at dahil dyan, ewan ko kung pano ko pa titignan ng normal ang sarili ko ng mata sa mata sa harap ng salamin, wala na kong dangal, binasag mo ang kakapirasong ego na itinabi ko para sa sarili ko at tira tirahan nung ipinagsigawan ko sa buong cyber world na mahal kita..

Shares 0

0 thoughts on “ok, happy new year na lang my ass!”

  1. kawawa ka naman dyon, uwian kita ng isang bote ng grappa para i-tosta mo sya ngayong new year. kaya lang ang dating nung bote sa feb pa, okay lang yun? thanks

    ==
    wow! te kengks mukhang masarap yang grappa na sinasabi mo a, sige pasalubungan mo ko.. para makatikim naman ng steytside na alak from germany.. pero ano yung grappa? parang gaas lang yata ibig mong sabihin e’

  2. hilam sa luha…nyahahahahha!!!…di bale jon,sa piling ko di ka masusupalpal…lalaki pa sa yo ang ego mo,mahalin mo lang ako…

    ==
    * binabayo ko yung dibdib ko ngayon habang itinuturo ko yung monitor ko sa tapat nitong comment mo

  3. dyon, ang grappa ay kumbaga yung tequila sa italya at tanduay sa pinas kaya hindi made in alemanya yon kundi made in italya. grabe sa lakas ng tama non kaya ang mga bote nun yung mga maninipis lang kasi kung itungga mo yon ng mag isa lang, taob ka ng buong taon, hehehe

  4. jon, nakakatuwa ka nman. meron pang “my ass” sa title mo. pero sa totoo lang, pare sa tingin ko mabuti kang tao at matino base sa mga sinulat mo. happy new year!

    ==
    aww tnx bro’

  5. at least she greeted you happy new year. hehehe.

    *mommy kengks, may bar dito na grappa’s eh… who makes good beer din… pareho kaya yan? masarap ang food dun.

  6. ahahahaha

    san mo nakukuha yang mga ideas mo?? hayup ka mag isip. i would have taken that comment lightly…pero ikaw, entirely different ang interpretasyones mo. LOL

    ==
    malungkot ang buhay ko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *