paratha egg roll with melted cheese and cucumber

o kung dati tinuruan kita nito

ngayon naman tuturuan kitang magluto ng paratha egg roll with melted cheese and cucumber.

gusto mo ba ng miryenda na madali lang gawain pero hindi magkamayaw ang sustanya at garantisadong masarap?

hindi? pwes umalis ka dito sa blog ko at magbukas ka na lang ng delatang pork n beans at namnamin mo ang lasang sugat na pagkain na ‘yun.

kung oo naman ang sagot mo, ngayon pa lang kinakamayan na kita bilang pagbati sa napakasarap na miryendang ito at sa kakayahan mong mag desisyon ng tama para sa sarili mo. Continue reading “paratha egg roll with melted cheese and cucumber”

araw ng kagitingan

sa iba ang kaarawan ay basta numero lang na idadagdag sa idad nila at bilang ng taon ng pamamalagi nila dito sa mundo pero para sa akin kung mas palalalimin pa ang kahulugan nun ito ay tagumpay ng nanay ko sa pagaalaga ng isang sanggol na sakitin, pagiintindi sa batang nagpupumilit magrebelde, at pagpapaalpas sa anak na pinatibay ang mga pakpak ng panahon at sariling karanasan. kagabi pa ako nakakaramdam ng lungkot na hindi ko alam kung saan nanggagaling, nalulungkot ba ako dahil bertdey ko at malayo ako sa amin? kalokohan, pang apat na bertdey ko na sa bansang ‘to at isa pa kung nasa amin din naman ako malamang ako din lang mag isa ang magiinom katulad ng mga sinundang bertdey ko. siguro ganun lang talaga, nasa idad na siguro ako na tuwing nadadagdagan ang idad mo kailangang obligahin mo ang sarili mo na magpakamatanda at sa totoo lang sa dahilan na ‘yan naipagkakamali ko lang siguro na lungkot ang takot na nararamdaman ko. Continue reading “araw ng kagitingan”

tanong sagot 29

mula sa: TANONG / SAGOT

T. nalaman ko na kabit ako, pero mahal ko ang boyfren ko na may asawa na? anong gagawin ko kung di ko sya kayang i let go kung kumakapit pa din sya saken .parehas kaming nagmamahalan.
S.  ilagay mo sa isip mo na ang minahal mo ay ‘yung boypren mo na wala pang asawa at hindi ‘yung ngayon na may asawa na, magkaibang tao ‘yun.  timbangin mo muna lahat kung anong magandang dahilan n’ya para ilihim sa’yo ‘yun at kung anong dahilan kung bakit kailangan ka pa n’ya sa buhay n’ya kung may asawa na pala s’ya, may problema ba sila kaya ka n’ya kailangan? pwes, kailangan ka n’ya para saan? gulong na reserba ba o ashtray na tambakan ng yosi pag mapait na sa panlasa? bigyan mo ng oras ang sarili mo na hanapan ng sagot ang mga tanong na ‘yan at pagkatapos nun tsaka mo asikasuhing hanapan ng sagot ang hindi masyadong importanteng tanong mo tungkol sa kung anong gagawin mo kung hindi mo s’ya kayang iwan dahil nagmamahalan kayo. Continue reading “tanong sagot 29”

BSrelationship

nakakatakot ang biglang pumasok sa isip ko habang nilulunod ko ang mukha ko sa patak ng shower kanina, masaya naman ako kung nasaan ako ngayon at kahit papaano proud naman ako sa kung anong narating ko pero hindi ko maiwasan hindi magkaron ng panghihinayang pag pinagiisipan kong mabuti ang lahat.
kung iisa isahin at uumpisahan ko sa simula sana hayskul pa lang inayos ko na ang lahat para mas nagkaron sana ako ng gana at yabang na panindigan ang kolehiyo. wala akong inatupag nung hayskul kundi makipag relasyon na ayos sana kung pagiging inspirado ang paguusapan pero ang mahirap sa akin kung relasyon ang kalakasan ko, relasyon din ang mismong kahinaan ko. wala akong naging maayos na relasyon sa buong buhay hayskul ko kaya ang pagkakaiba iba lang nila mas matagal akong  nagsayang ng oras sa isa kesa dun sa iba. normal akong estudyante nung hayskul at may mga iilan din naman akong kaibigan, ayun nga lang mas pihikan pa ako sa kakaibiganin kesa sa rerelasyunin ko. mabilis na nangalahati ang sampu dahil sa dahilan na ayaw sa kanila ng karelasyon ko at hindi din nagtagal nung kinailangan ko na rin na umiwas sa limang natira dahil naman sa kabaliktaran na dahilan, sila naman ang may ayaw sa karelasyon ko. hindi na kailangan pang pag isipan ang mabigat na desisyon na ‘yan nung mga panahon na ‘yun, hindi mo obligasyon na gustuhin kung sino man ang karelasyon ko pero wala kang karapatang ayawan s’ya. malabo pero ayan ang naging batas. Continue reading “BSrelationship”

‘yung kumpanyang ‘yun

inutusan ako ng boss ko nung isang araw na maghanap ng mga kumpanya na mag aayos ng internet namin dito sa hotel, proyekto namin ‘yun nung sekretarya n’ya dahil paalis ang boss ko papuntang ibang bansa kaya ang mangyayari ako ang maghahanap tapos ipapasa ko sa sekretarya para s’ya ang kakausap at magtatakda ng araw para sa mga presentasyon, demo, at mga kung anu ano pa, pagkatapos n’yan pipili kami ng dalawa o tatlo sa mga ‘yun na ihaharap naman namin sa boss ko pagbalik dito.
nagising ako kanina mula sa mababaw na pagtulog nung may halos tatlong minuto lang ang pagitan ng magkakasunod na pagtunog ng telepono ko, isang email mula sa sekretarya para sa kumpanyang ‘yun, isa sa sagot ng kumpanyang ‘yun, isang tawag mula sa sekretarya para itanong sa akin kung natanggap ko ‘yung palitan nila ng email, at isa pa ulit tawag mula naman sa kumpanyang ‘yun para daw sa pagbisita nila mamaya sa hotel na pinagtatrabahuhan ko. Continue reading “‘yung kumpanyang ‘yun”