makikisakay lang

ayan na nga ba ang sinasabi ko! kaya nga ba hindi ako pumapatol basta basta ng walang halong pag iingat, natural uunahin mo muna ang kaligtasan mo bago ang kung anong makamundong pagnanasa meron ka tsaka sa lahat talaga ng pagkakataon kailangan wais ka at tuso. ..tsaka ayun nga pala huwag kang papatol sa alam mong may nagmamay ari na, maniwala ka sa akin mahirap malagay sa sitwasyon na sa bandang huli pagsisisihan mo na sana nagsaltik ka na lang sa banyo hindi ka pa nalagay sa alanganin. minsan ko na din naranasan na ilublob ang paa ko sa kaparehong ilog na ‘yan para sukatin ang temperatura ng tubig at mabuti na lang nagawa ko pa ring bawiin ang paa ko sa pagkakalubog sa ilog bago  pa mahulog ang buong katawan ko dun. nasa kolehiyo ako nun nung hindi sinasadyang magantihan ko ng inosenteng kindat ang malambing na ngiti ng babaeng nasa parehong kurso ko pero nasa ibang klase, tawagin na lang natin s’ya sa pangalang “christina” dahil sa malaking pagkakahawig n’ya kay christina aguilera nung mga panahon na ‘yun at sa totoong dahilan na nakalimutan ko na ang totoong pangalan n’ya.. at sa totoo lang pati ang itsura n’ya kaya imbento na lang din ‘yang christina aguilera na ‘yan.
Continue reading “makikisakay lang”

federer

kung matagal ka ng nagbabasa sa blog ko o sumusubaybay sa twitter ko malamang alam mo na hindi ako katulad ng pangkaraniwang lalaki dahil wala akong sports at 3 inches lang ang ano ko. ang totoo, walang kinalaman ‘yung huling sinabi ko na ‘yan para sa entry na ‘to.. nabanggit ko lang naman ‘yun.
sumubok din naman akong magbasketbol nung kabataan ko kasama ang mga pinsan ko pero dahil lumaki akong sakitin na bata madalas akong mapagalitan ng nanay ko tuwing umuuwi akong pawisan galing sa paglalaro, hanggang dumating ako sa punto na hindi na sapat ‘yung libang na nakukuha ko sa paglalaro nun kesa sa latay na dinadanas ko sa palo ng nanay ko at unti unti nawalan na din ako ng interes. siguro kung paglalaruin ako ngayon ng basketbol kaya ko pa rin naman pero malamang hindi ko na kayang maglaro ng tama. ako ‘yung tipo ng bata na naiiwan sa paglalaro ng tau tauhan sa lupa tuwing magtatakbuhan na ang mga kalaro n’ya para manood ng PBA sa tv. hanggang ngayon wala akong interes sa kahit na anong sports maliban sa boxing. nakakita ka na ba ng isang pares ng unggoy sa isang grupo na nagkakagatan at kalmutan? pansinin mo kung papaano maghiyawan ang mga ibang unggoy na nanonood sa kanila at ‘yung iba nagpapalakpakan pa habang inuuga nila ‘yung mga sangang tinutuntungan nila, tingin ko sa kanila natin nakuha ang pagkahilig natin sa panonood ng mga kabrutalan. hindi din ako naniniwala na ako lang dito ang nanonood ng circus o mga sayawan na nagliliparan sa ere ang mananayaw para talaga sa intensyon na malibang lang talaga kundi para mag abang ng kapalpakan o aksidente, ipokrita ka kung sasabihin mo na hindi tayo magkatulad.. o kaya mahinang klase ka ng tao at ikaw ‘yung tipo ng estudyante dati na dahil takot mabasted pag nagbigay ng sulat sa crush n’ya “from secret” ang ipipirma at kunyari may nagpapabigay lang, supot!
Continue reading “federer”

midnight snack

ang isang malawak na espasyong pumapagitna at naghihiwalay sa pagiging manunulat at ng mambabasa ay ‘yung pag nagsusulat ka hindi mo kailangan ng mambabasa para matawag kang manunulat, ang kailangan mo lang ideya. hindi tulad pag ikaw ang nagbabasa kailangan mo ng letra ng nagsusulat para matawag kang mambabasa dahil kung wala nun mas lohikal na tawagin ka sa mas ibang pagkakakilanlan katulad ng ale o mama o kaya normal na taong internet lang. sa mas madaling salita, kailangan ng pangalawa ang nauna at p’wedeng paghugutan ng lakas ng nauna ang pangalawa pero hindi ibig sabihin na ikamamatay n’ya ang pagkawala nito. ang manunulat ay mananatiling manunulat hangga’t pumapayag s’yang kunsintihin ng mga letra n’ya ang landi ng utak n’ya. Continue reading “midnight snack”

hiroshima

unang araw:

walang tubig sa buong building namin at kung matagal ka ng nagbabasa dito sa blog ko alam mo na ang sumpang kaakibat ng sitwasyon na ‘yun para sa akin. nung una kong nalaman na wala kaming tubig nataranta ako at kung ‘yung iba nalugmok sa pag iisip ng gagamiting tubig pampaligo kinabukasan bago pumasok sa trabaho iba ang sa akin, nataranta akong maghagilap ng imodium habang iniisa isa sa isip ko ang mga kung anu anong pinagkakain ko buong araw.
kung malaking kapakinabangan ang likot ng utak ko sa mundo ng internet malaking problema naman ‘yun sa tunay na mundo at hindi uubra ang basta dalawang kapsula lang ng imodium para mawalan s’ya ng kontrol sa sikmura ko.

wala pala kayong tubig? tingin ko ngayon ang pinakatamang panahon para magtae.

Continue reading “hiroshima”

batas

bukod sa kailangan mo ng imbitasyon at hindi ka p’wedeng basta basta papasok na lang ng walang pahintulot kung ayaw mong maipalapa sa mga aso at mamatay, katulad ng isang kaharian may mga batas din na kailangang sundin ang mga magtatangkang pumasok sa buhay ko. kung tutuusin simple lang naman ang mga ito at sa katunayan hindi ko na nga kailangan pang sabihin ang ilan dahil otomatik na ‘yun para sa mga may sentido kumon.
huwag ka sanang malito sa bilang ng pagkakasunod sunod nila dahil ang batas na pinag uusapan natin dito ay walang timbangan ng kung ano ang mas pinaka importante at alin ang hindi, maliban lang dito sa nauuna.

Continue reading “batas”

tanong sagot 28

magtanong dito – TANONG/SAGOT

eto ang tanong sagot ika-dalawampu at walo.

T. idol ka para sakin the way you carry yourself pati pagnagsalita ka na aamin ako na most of the time ginagamit kitang inspirasyon sa diskarte sa chicks. salamat idol isa kang alamat!
S. salamat, madalas na inspirasyon ko din ang sarili ko tuwing dumidiskarte ako sa “chicks” at awa naman ng swerte wala pa naman sablay lalo na pag hindi naman ganun kagandang babae ang pinaggagamitan ko n’yan.

T. Nasisiraan na daw ako sabi ng nanay ko! Hahaha kaw lang nagpapatawa sakin ng ganito! Salamat! Apir!
S. sabihin mo sa nanay mo bukod sa patawanin kaya din kitang paligayahin. ..ikaw ha, hindi ang nanay mo!

T. papayag kaba pagkatulad mo as joncabron ang naging bf o asawa ng unica hija mo?

Continue reading “tanong sagot 28”

sa akin ka maniwala

kalokohan ‘yung sinasabing kung hindi ka handang masaktan huwag kang magmahal dahil parang sinabi mo na din na kung ‘di ka handang malunod huwag kang lumangoy. ano ang pagkakapareho ng pag ibig at paglangoy? pareho silang hindi mo basta matututunan lang sa pagbabasa ng libro o pakikinig sa kuwento ng mga kaibigan mo, kailangan mong tumalon sa tubig o pumasok sa relasyon para maintindihan mo ‘to ng mabuti. hindi natural na parte ng paglangoy ang pagkalunod at ganun din ang sakit pag nagmahal ka katulad lang ng hindi sangkap ng pagluluto ang pagkasunog, minsan napabayaan lang at pwede mong ipagpalagay na malas lang pero sa mas madalas kinulang ka lang sa karanasan. kumbaga sa pagmamaneho hindi ka daw magiging magaling na driver kundi ka pa nakakaranas mabangga, sa waiter pag naka basa ng tubig sa costumer.. hindi ko alam kung papaano sa suicide bomber. Continue reading “sa akin ka maniwala”

para sa mga babaeng may babaerong karelasyon

kung ikaw ay babaeng nasa loob ng isang relasyon gelpren ka man o asawa ang payong ito ay para sa’yo at ito ay may kinalaman sa pambababae ng iyong kabiyak. kung kumpirmado ng may kinalolokohan si lalake ito ang pinakatamang panahon para magpakahinahon at lawakan ang isipan, huwag na huwag kang magwawala at pakaiwasan mong dumating kayo sa punto na kinakailangan n’yang pumili sa inyong dalawa nung isang babae kung ayaw mong mabakante ang kabilang bahagi ng kama mo. isa sa pinakakaraniwan at pinakamalaking pagkakamali ng babae ang subukang makipagpabigatan sa timbangan ng pagiging importante sa babaeng kasalukuyang kinalolokohan ng karelasyon n’ya, kumbaga sa boksing pasimula pa lang ang laban talo ka na, papasok ka pa lang sa ring may sumusuntok na agad sa batok mo, at kung ordinaryong gloves ang gamit mo kamaong bakal naman sa kalaban mo. bakit ko nasabi ‘yan? Continue reading “para sa mga babaeng may babaerong karelasyon”