buhay online

2001 pa ako sa yahoo’ at masasabi kong mula sa taon na yun hanggang nung isang taon nakagawa nako ng pangalan na walang makakabura, madami akong pagsubok na dinaanan, nilagpasan at sinagasaan. sanay ako na ako lang mag isa’ ako ang hari ng sarili ko, ako ang sarili kong tagapag alaga.. lahat ng tagumpay ko ibinahagi ko sa mga tagasubaybay ko at sinosolo ko yung mga kapalpakan, mag isa akong tumatayo pag nadadapa at ako rin mismo ang nagpapagpag ng tuhod ko at nagtitiis sa sakit ng galos na nakuha ko’
pinag aralan ko ang pasikot sikot sa yahoo.. kilala ko ang sarili ko at alam ko yung mga kahinaan ko, masaya ako na yung mga gusto kong matutunan, nakuha ko.. hindi ko na inasam yung mga bagay na alam kong hindi ko na kayang abutin.. magpapabagal lang lalo sakin yun’
may mga taong kusang naglalagay ng harang para matisod ako’ gusto nila kong subukan pero hindi ko sila binigyan ng pagkakataon na magtagumpay’ talunan nako sa labas ng internet.. hindi ako papayag na pati sa online makakaramdam pako na inferior ako sa iba, lalo na kung sinasadya.. ako ang magbibigay ng respeto sa mga karapat dapat bigyan nun.. hindi mo ko maoobliga sa bagay na yun.. kunin mo ng sapilitan kung gusto mo, nakawin mo kung kailangan mo’
wala akong sinalihan na yahoo groups dati kahit isa, ayoko ng batas dahil alam kong iba ang takbo ng isip ko at may ugali akong gustung gusto ko na nantetesting ng mga rules’ alam ko di tatagal tatanggalin din nila ko.. at hindi ako magaling tumanggap ng ganun.. lalaban ako at ang masama yung mga magiging kaibigan ko sa group na yun hindi malabong madamay pagbalik ko..
syempre hindi mawawala ang karir sa yahoo, lugi ako sa bagay na yan’ hindi para sakin ang online relationship, masyado akong possessive at paranoid para dun.. sasakit lang ang ulo ko’ pero meron pa rin ibang nakakalusot, nakakalungkot lang na yung ilang binigyan ko ng pagkakataon na yun puro palpak’ gagawin lang pala akong pambala sa kanyon’ pang proteksyon.. pang payabang’ dun ko naranasan ang pakiramdam ng ulo ng baboy damo na nakasabit sa mga sala ng mayayaman..
nakakasawa din pala lahat yung mga bagay na yun’ nawawala din yung pagkauhaw mo sa kapangyarihan at humuhupa din yung yabang mo dahil sa kasikatan.. dahil pagtagal tagal pagkatapos ng lahat.. papatayin mo rin ang pc mo at pag gala ng mata mo, dun mo lang marerealize na may buhay sa labas ng internet’ may mga taong may buhay na nasa loob ng bahay kasama mo, at hindi ka tanga para isugal sila kapalit ng kasikatan sa loob ng system unit mo o ng kahit anong napapala mo sa yahoo’ yun ang buhay at realidad’
para akong starfish na kusang nagputol ng isang kamay’ iniwan kong patay yung buong katawan ko at hinintay mabuhay yung kamay na natanggal.. nagsimula ulit ako bilang bagong online creature’ newbie..
alam ko di magtatagal, dadaanan ko ulit yung mga bagay na naiwan ko na dati’ alam ko yun, wala akong magagawa kundi tanggapin yun kse yun ang buhay sa online.. hindi rin ako nakakasiguro kung tulad dati madali kong malalagpasan yung mga harang na yun’ susubukan ko.. mangangapa ako alam ko pero hindi ko basta ibibigay yung laban na iniwan ko dati ng walang talo’ susuntok ako kahit papano’
isa lang ang nasa isip ko ngayon’ hindi ako papayag na maging ulo ng baboy damo ulit na nakasabit sa sala ng kung sinu sino’ gagalaw ako sa galaw na gusto ko at ibubuka ko yung bibig ko para magsalita pag makati ang dila ko’
hindi rin ako papayag na maging dagdag balahibo lang sa sumbrelo ng kahit na sino’
ako ang hari ng sarili ko at may sarili akong mundo online’ kung papayagan kong magpasakop sa iba.. mas gugustuhin ko pang nasa loob ako ng sarili kong kwarto at naglalaro ng alitaptap mag isa kesa naman nasa masayang perya ako na punum puno ng tao pero ako yung featured freak dun na kinokontrol at pinaglalaruan ng mga clowns’

walis

naniniwala akong ang blog o kahit na anong website may bracket yan’ lahat ng nasa blogroll ko na hindi ko kabracket.. inalis ko na’ walang samaan ng loob’ dadating ang araw may magtatanong sakin.. ayos yung blog mo sino tong ganito sa blogroll mo?! ayokong dumating ang araw na yun na ang maisasagot ko lang.. “ewan ko tignan mo na lang”
tatanggalin ko ang link na hindi ko kabracket, ang blogger na hindi maintindihan yung mga pinopost ko, at blogger na nonsense.
tatlo na ang natatanggal ko.. sorry’ ayoko lang magpaka plastik na tipong pupunta ako sa blog mo magsusulat ng “you rock!” or “nice entry” sa comment box mo pero di ko naman talaga binabasa yung entries mo.. ayoko ng ganun’
ang nasa blogroll ko kse mga blog na nirerekomenda ko sa ibang tao at hindi ako nagrerekomenda ng isang bagay na sa sarili ko eh hindi ko gusto. ganun naman talaga dapat yang blogroll na yan eh.. bakit?! kse sinabi ko.. okei?!

kaibigan

para patunayan sayo kung gaano ako kabuting kaibigan, tinanggal ko na yung link mo sa blogroll ko at pinapayuhan kita na wag ng pumunta sa blog ko, ayokong tuwing pupunta ka dito sasakit ang ulo mo sa kakaabot sa mga kuwento kong di mo maintindihan.. ayoko naman na tuwing magbabasa ka dito at kukunot ang noo mo dahil di mo makuha yung mga sinulat ko kokontak ka pa sakin para lang utusan ko yung anak kong pitong taon para iesplika sayo sa paraang pang grade 2 yung gusto kong sabihin.. madalas na abala ang anak ko’ sa paglalaro at pagaaral, ayoko naman na pag wala syang oras na alalayan ka, maiwan kang naka tunganga’ ayoko ng ganun’
sana wag mong masamain.. gusto ko lang makatulong, okei?

kimbo

kimbodedkimbo
alam kong masaya ka dyan sa lizards’ limbo, kapiling ng mga iba’t ibang herbivore reptiles na tulad mo, sa hardin sa loob ng bakuran ni sir lord.. patawarin mo ko sa lahat ng pagkukulang ko, sobrang hassle talaga sked ko kaya di na tulad dati na araw araw kitang nahahawakan at naaalagaan.. masyado talaga akong kupal pagdating sa time management.. sorry’
… okei okei’ nagka PSP kse ako kaya di na kita naaasikaso’ sorry na.. di mo naman kailangan na hindi huminga dahil lang dun ah’ nun naman huli kitang pinakain nung isang linggo di ka naman kumibo.. sana nagpahiwatig ka kung masama pakiramdam mo o kung masama ang loob mo.. pinaliguan pa nga kita nun ah.. hmp! baka naman nagtatampo ka lang at nagpapatay patayan.. okei bibigyan kita ng sampung segundo para gumalaw.. isa..anim…walo..sampu! gudbye!
R I P
KIMBO d’ DRAGON
may – july

payback

isang blasphemous blog entry kasunod ng todo offensive entry, hindi makakalagpas sa kanya yan’ magbabayad ang dapat magbayad’ sobrang tagal umalis ng bus kanina.. pawis na pawis nako kahit nasa tapat ako ng bintana sa pantatluhang upuan, dalawa yung tiga tawag ng pasahero, yung kunduktor tsaka isang.. hmmm taga tawag lang talaga’
mainit na ang ulo ng lahat, hindi biro yung mahigit 30 minutes kang nakaupo sa bus na hindi naman umaandar’ nakakatatlong stick ng sigarilyo na yata yung mamang driver ayaw pang umalis.. dagdag buwisit pa yung pag kalampag ng mga taga sigaw sa may tapat ko para bigyan alerto yung drayber at para makuha yung atensyon nung mga pasaherong sasakay.. kung anu ano na pumapasok sa isip ko.. gusto kong umuwi at kumuha ng baril sa bahay.. sabi ko tangena bahala na’ patay na kung patay! pero naisip ko na kung uuwi pa ko malamang di ko na aabutan tong bus na to, terti minutes din ang byahe pabalik.. at naisip ko din na sobrang late nako pag umuwi pako, kumuha ng baril, tapos mamaril pako,
at bukod dun naisip ko rin na wala naman nga pala akong baril sa bahay..
nung medyo umaandar na paunti unti yung bus.. nakita ko yung nagbebenta ng tubig iniilag ilag nya yung ulo nya.. tangena nanlaki ang mata ko.. may malaking ipis na lumilipad! sa isip ko tangenang bus na to sa tagal umandar tinubuan na ng ipis.. may napakatinding takot ako sa ipis.. nag escort ako dati sa ms. muntinlupa sa pinsan ko’ nung question and answer na bigla akong nawala.. may lumilipad kse na ipis akong nakita at dumapo pa mismo dun sa lalaking nagtatanong’
di ko malaman ang gagawin ko habang nakaupo sa bus, gusto kong magdasal pero nagiguilty ako dahil dun sa entry ko.. gusto kong magtapon ng pera, gusto kong magpapremyo.. kung sino makakapatay sa ipis na yun’ magbabayad ako.. bente, singkwenta, isandaan.. wala akong pakialam’ mawala lang yung ipis na yun sa sistema ko’
kung yun yung paraan ng paniningil para sa entries ko, syempre hindi nya naman papaliparin yun dun kung hindi papadapuin sa akin.. naisipan kong yumuko na lang at magtulugtulugan kahit pawis na pawis nako sa kumbinasyon ng init at pagkatakot.. ng maramdaman kong parang may nalaglag sa may balikat ko kasabay ng matuling paggapang ng matutulis na paa sa may batok ko.. anlakas ng sigaw ko ng “inaaaaaay!!!” napatayo pa ko sa inuupuan ko.. tawanan yung mga pasahero, lahat nakatingin sakin.. bilang depensa sumigaw ulit ako.. “putangina kse sa tagal umalis inipis na tong bus” napatigil sa pagtawa yung kunduktor at taga sigaw.. sabi nung kunduktor “eh di sana bumaba ka na kanina” sabi nung taga sigaw “kung gusto mo ng mabilis dapat nag taksi ka” .. di ako nakakibo.. yumuko na lang ulit ako’
natutunan ko nung mismong oras na yun na hindi magandang kumbinasyon ang pagpapakita ng karuwagan sa ipis at susundan mo ng paninindak at pagsigaw sa kunduktor.. hindi epektib.. hindi gagana.

ibigay mo sakin ang espasyong natitira para humingi ng paumanhin sa huling dalawang entries ko.. gusto ko lang magpasaya, gusto ko lang matuwa yung mga kapatid ko.. kung nagamit man kita patawad na.. kung talagang dapat akong magbayad dahil dun.. wala akong magagawa’ sana lang kung mamarapatin mo magbibigay ako ng anim na keywords na wag naman sanang mapabilang sa mga pagdadaaanan kong kabayaran:

1. ipis
2. pagtatae
3. holdap
4. sipon
5. format
6. hindi pagtigas
.. maraming salamat po!

christopher

nung unang panahon merong isang henyo ngunit pilyong bata na nagngangalang, christopher’ isa syang ventriloquist, kaya nyang magsalita ng hindi bumubuka ang bibig at palabasing hindi sya ang nagmamay ari ng boses na nagsasalita.. isang araw habang nanghuhuli sya ng ibon sa gubat nakita nya si noah na nakaupo sa isang putol na puno at nagpapahinga.. pagud na pagod sa pangunguha ng mga tuyong sanga ng puno na gagamiting panggatong’
gumana ang pagkapilyo ng batang si christopher, nagtago sya sa mataas na puno at pinalaki nya ang boses nya.. “noah, sa dadating na tag ulan ay magbabaha ng lampas poste’ pumutol ka ng mga puno at gumawa ka ng malaking barko, pasakayin mo dun ang mga tao at mga hayop na maniniwala sayo at gustong maligtas” … nagulat si noah at agad na sumunod sa boses na narinig nya.. halos tatlong buwan din syang nagputol ng mga puno sa kagubatan at gumawa ng barko.. nung malapit na ang tag ulan, halos naubos na ni noah ang mga puno sa kagubatan, kaya wala ng mga ugat ng puno na sisipsip sana sa malakas na agos ng ulan.. 1 +1 do the math.. kaya bumaha!
tawa ng tawa si christopher na nakatakda palang mangibang bayan bago dumating ang tag ulan sa lugar na yon..

hotchick from slum

sakay ako ng jip byaheng vito cruz – taft, jeprox yung drayber.. medyo may idad na pero ang tugtog sa stereo nya alternative rock.. tabi kami sa unahan’ makuwento sya’ dati daw sya may banda, san daw ako nagtatrabaho?!, puro matatakaw daw yung mga pulis trapiko sa makati.. etc. etc. maya maya tulad ng normal na byahe sa kalsadang yun’
may tinigilan syang kanto.. naghintay ng pasahero, may naaninag akong papalapit, babaeng maputi na naka sleeveless at naka short shorts.. hotchick from slum and dating’ napapalatak ako kay mamang drayber, sabi ko “ayos, dito mo na sa unahan pasakayin” napatingin sya tapos napangiti sakin.. pag lapit nung babae sinabihan nya “dito ka na sa unahan” .. sa tabi nga namin sumakay yung babae, ang bango’ amoy shampoo.. nakatingin lang si manong.. nginitian ko sya’ maya maya nagsalita yung babae.. “hinahanap ka ni pareng rolly., birthday nya raw bukas tulungan mo raw sya magkatay ng baboy”
napatingin si manong drayber sakin bago magsalita “sige daan tayo mamaya, si henry ba tulog na?!” sagot si hotchick from slum.. “hindi pa, bayaan mo na wala namang pasok bukas, iniwan kong nanonood ng tv” hindi ko na matandaan yung mga nangyari habang bumibiyahe kami.. basta napansin ko na lang na basang basa ako ng pawis at hindi ako makahinga.. pumikit ako ng madiin at pagmulat ko nasa harap nako ng bababaan ko..
may mga pagkakataon na iniisip ko na tutal naman bulol ako, sana ginawa na lang ng diyos na di -roskas ang dila ko.. para pag nasa biyahe ako at di naman kailangang magsalita.. babalutin ko na lang ng panyo yung dila ko tapos ibubulsa ko..

technophobia

kanina bago ako pumasok, pinaayos ng nanay ko sakin yung laptop nya’ search ako ng driver ng videocard and soundcard sa net.. install ko at dahil malelate nako’ nirestart ko lang pagkatapos then umalis nako.. tatlong oras halos sa opisina, nagtext nanay ko, nagpapatawag ano daw ba ginawa ko sa laptop nya.. may error daw’ tawag naman ako.. syempre unang tanong ano yung error?! error daw sa display.. sabi ko ano yung saktong error?! basta sa display something daw, sabi ko apat na libong error ang pwedeng lumabas na may nakasulat na display.. di nya raw kse nabasa at pinatay nya na yung laptop.. wtf?!
paguwi ko kaninang umaga.. nadatnan ko silang nagaalmusal, nakiramdam ako.. mainit ulo ko, trapik na naman kse sa alabang.. nagawa na raw ng tatay ko yung laptop, saglit lang ginawa.. parang may halong pangungutya pa yung tono nya na tipong “wala ka pala eh”
di ako kumibo.. tumango lang ako, wala ako sa mood makipag diskusyon at makipag usap.. inaantok nako’ pagkagising ko nagyoyosi yung tatay ko sa terrace, kailangan kong pumunta dun kse papakainin ko yung iguana ko, di nya binabanggit yung sa laptop kaya ako na nagtanong, wala naman daw syang ginawa pag bukas ng laptop may nakalagay kung tinatanggap yung bagong display setting, pinindot nya lang yung OK.. di na lumalabas ulit.. oh a genius’
naisip ko lang na siguro nung mga kerubin pa tayo sa langit bago tayo ideploy sa lupa kinakausap tayo ni baby jesus..

baby jesus: ikaw ginang cabron, gusto mo bang maging masipag na nanay sa lupa?
gng cabron: aba opo!
baby jesus: ilang porsiyento?
gng cabron: isandaang porsiyento, baby jesus!
baby jesus: okei.. pagdating sa COMPUTER naman anong BRAIN ang gusto mo?
pero dahil abala ang nanay ko sa pagtugtog ng harp nung mga oras na yun.. ang rinig nya TRAIN.. kaya ang isinagot nya:
gng cabron: yung mabagal lang po!
baby jesus: kk

limandaan

   wala akong barya kanina.. buong 500 pesos’ bago ako sumakay ng bus sa terminal tinanong ko yung kunduktor habang nagyoyosi sya sa may barbequehan kung okei lang na buong limandaan yung ibabayad ko.. hindi na sya nagisip.. umoo agad’ pagpasok ko sa bus labin lima pa lang yata kaming tao.. tagal ko naghintay nagpuno pa.. sa sumunod na stop over’ tayuan na.. sobrang apaw na yung bus’
mainit yung ulo nung kunduktor kse nahihirapan syang maningil.. siksikan kse’ pagdating nya sakin.. nung pagkaabot ko ng bayad’

kun-dr: wala ka bang barya?
JON: wala eh’ sensya na..
kun-dr: sa susunod bago ka  umalis sa inyo magpa barya ka na.. abala yan eh’
(sabay talikod)
JON: (naginit pakiramdam ko) hinila ko yung manggas nya para humarap sakin..
di ba sinabi ko sayo kanina bago ako sumakay na buo ang pera ko?!
kun-dr: (parang natakot) sa malumanay na salita..
oo nga eh hindi naman natin alam na walang pamalit eh.. dami kse sumabay na puro buo ang pera, buti pa to si sir (sabay turo sakin) nagsabi agad kanina’

may idad na yung kunduktor.. nakakaawa na patulan’ napangiti na lang tuloy ako’
inisip ko na lang.. sana kinain na lang sya ng pusa nung baby pa sya’ kung nagunaw ang mundo sa mga oras na yun sigurado yung psp ko na lang ang maiiwan sa kinauupuan ko..

hiatus

kung regular visitor ka dito sa blog ko at hindi ka kasama sa mga alternicks ko na palihim na nagpopost ng mga comments dito para magmukhang maraming sumusubaybay at apektado sa mga pinagsususulat ko.. kung hindi ka naligaw lang dito dahil sa naloko ka ng hoax email na nagsasabing pumasok ka dito sa blogsite na to para makita mo si angel locsin ng nakahubad.. kung naloko ka lang sa chat room ng isang nagpost na dito ka yayaman sa site na ito.. mapapansin mong pasulpot sulpot na lang ako magblog sa ngayon.. di na tulad dati’ ayoko ng magpaligoy ligoy pa o magimbento ng mga dahilan para lang lumabas na sobrang busy ko.. na wala kseng nangyayaring makabuluhan sakin.. or what’
the thing is na approved kse at nasa kamay ko na yung citibank creditcard ko at ginamit ko na sya.. sobrang na amused ako papirma pirma lang, para kong may ari ng SM na lahat ng ituro napapasakamay ko.. kailangan lang pumirma.. sobrang naging alipin ako ng card.. eto yung mga nabili ko sa loob ng isang araw lang na pamamasyal at papirma pirma sa SM:
1. psp w/ 4gig mem (white)
2. logitech playgear pocket (white)
3. 993 pcs. personalized calendar (2007 – 3000)
4. personalized 99% silver doorknob from silverworks
5. grapes
6. milks
7. labindalawang damit sa guess na tiglalabindalawang kulay bawat isa
8. sandamukal na groceries na parang pang bukas ng sari sari store
9. kumain din kami sa isang resto at nagbatuhan ng lechon.. umorder ng turkey na may kaldereta sa loob ng tyan.. etc etc’

sa ngayon wala akong ibang ginagawa bukod sa magtrabaho kundi mag PSP habang nakababad yung mga paa ko sa katas ng ubas.. kaya pasensya na kung bihira na ko makapag update.. sana naiintindihan nyo at di pa rin kayo magsawang sumubaybay sakin..
mahal ko kayo!