alamat ng kesong puti

   sa isang malayo at liblib na isla ng doroteo nakatayo ang isang napakalaking kaharian na gawa sa isang ordinaryong keso, keso na kulay dilaw’
makalipas ang limang taon pagkamatay ni reyna aurora..  natagpuan ni haring damian ang kanyang anak na si prinsesa elena na malungkot sa kanyang silid, “mahal kong anak, di yata’t hindi nagamot ng limang taong lumipas ang pangungulila mo sa iyong mahal na ina” napatingin si prinsesa elena at dagling pinunasan ang mga luhang kanina pa dumadaloy sa kanyang mga pisngi, “mahal kong amang hari, ang pagkamatay ni ina ay sadyang napakahirap dalhin, ngunit tanggap ko na, sa kadahilanang wala na naman tayong magagawa.” “kung gayon ano ang bumabagabag pang iba sayo oh aking prinsesa?” tanong ni haring damian sa anak na prinsesang nababakasan ng lungkot sa mukha.. “ang ating pader na yari sa keso, mahal na amang hari’ kung mamarapatin nyo po’y nais kong ipabago ng kulay, sa tuwina’y naaalala ko si ina at ang kanyang mga pagdidisenyo, pagnakikita ko ang mga pader na iyan” tugon ng anak sa amang hari, “kung iyon lamang, anak kong mahal,  ang iyong pinagkakaganyan.. bukas na bukas din ay ipapatawag ko ang ginoong si simeon ang henyo, at tanyag na taga gawa ng kesong pader sa buong isla doroteo!”
   kinabukasan..
umagang umaga pa ay pinulong na ni haring damian ang lahat ng tao sa kaharian’ maya maya pa’y bumaba mula sa hagdan na nababalutan ng iba’t ibang kulay ng rosas si prinsesa elena, palakpakan ang mga tao na agad ding pinutol ni haring damian.. “konting katahimikan.. andito tayong lahat ngayon upang ianunsyo ang pagpapalit natin ng kulay ng kesong pader.. bunga na rin sa kagustuhan ng aking pinakamamahal na anak .. si prinsesa elena!!! muling nagpalakpakan ang mga tao bilang pagsalubong sa kanilang mabait na prinsesa..
nahihiyang nagsalita si prinsesa elena.. “alam nyong hindi na kayo iba sa amin ng aking mahal na amang hari, mula sa pagkabata ng aking nasirang ina ay andito na kayo sa kahariang ito na yari sa keso..” “ngayon ay hinihingi ko ang kooperasyon nyo.. kailangan natin ng pagbabago.. kailangan nating lumimot sa nakaraan, iwanan ang mga malulungkot na pangyayari at humarap sa bukas ng may bagong pag asa! .. at ito ay isinisimbulo ng bagong kulay ng ating pader na gawa sa keso!!”
sigawan! ang mga tao.. kanya kanyang bulungan at suhestiyon, ngunit nangibabaw ang isang boses’ ang boses ng ginoong henyo at tanyag na  tagagawa ng pader na keso..
“bakit hindi puti?! puting kulay ang nababagay sa ating bagong kaharian..”  napamaang na napatingin si prinsesa elena sa kanyang ama.. at parang hangin na lumabas sa kanyang mga labi.. “ke-song – pu-ti!” napuno ng kagalakan si haring damian at itinaas nya ang kanyang nakatikom na kamo at napasuntok sya ng pataas, habang isinisigaw ang “kesong puti! kesong puti ang magiging kaharian natin!” sumangayon ang lahat ng mga tao at sabay sabay silang nagsigawan ng kesong puti!

makalipas ang mahigit isang taon.. masayang naghihintay ang henyong taga paggawa ng kesong pader sa labas ng silid kung saan iniluluwal ng kanyang prinsesang asawa ang kanilang unang anak.. tahimik naman na nakamasid ang mahal na haring damian ngunit hindi maitago ang kagalakan sa kanyang unang apo..
hanggang sa lumabas ang taga pagpaanak kasunod ng iyak ng sanggol.. “lalaki! lalaki ang anak ni prinsesa elena!!” sumugod agad ang lalaki sa loob upang makita ang bagong silang na anak at madamayan ang nanghihina pang si prinsesa elena..
maluha luhang kinarga ni haring damian ang kanyang apo at lalong nalubos ang kanyang kasiyahan ng sabihin ng anak na prinsesa na sya ang naka takdang magbigay ng pangalan sa bagong silang na sanggol.. napatingin sya sa manugang na si simeon na tumango naman bilang pag sang ayon…
mula sa araw na ito.. sabi ni haring damian..
ikaw apo ang nakatakdang mamuno sa lahat ng ating nasasakupan..  at ikaw ay pinapangalanan kong…..  “francis jeremy”
masayang nagyakap ang mag asawa..

* tangenang bus na sinasakyan ko dito sa pedro gil’ sobrang sugapa ng kunduktor at drayber.. nakagawa nako sa isip ng isang buong kuwento mukhang wala pa ring balak umalis.. bulsyet naman oh’

gatorade

gatorade sa pamunuan ng gatorade / pepsi,
sana’y bisitahin kayo ng sulat na ito na nasa mabuting kalagayan.. ako po si jon cabron, nilalagnat’ dahil sa grabeng sipon, ubo, namamagang lalamunan at namamagang impacted wisdom tooth, halos kalunos lunos na di po ba?!
sumulat ako’ hindi para magpaawa o para gulatin kayo na may sakit ako.. may kinalaman to sa takip ng bote ng gatorade nyo’
.. iinom ako ng produkto nyo hindi sa dahilang nasasarapan ako sa lasa nito o dahil sa nasososyalan ako sa taong umiinom ng gatorade.. iinom ako sa kadahilanang tulad ng mahigit nobenta porsiyentong manginginom siguro ng produkto nyo.. nanghihina ako at kailangan ko ng lakas.. alam ko na isa ang kalagayan ko sa mga tinatarget nyong kumonsumo ng produktong ito, sampu ng mga pagod sa sports partikular sa basketbol, mga nahihilo dahil sa hangover, o mga nanlalata dahil sa pagtatae.. tama po ba?! ngayon gusto kng itanong sa inyo.. mawalang galang na po’ bakit ganun kahigpit yung takip ng gatorade?! kung hinang hina nako at yung natitira kong lakas eh ibubuhos ko sa pagbubukas ng gatorade.. siguradong mamatay akong dilat ang mga mata at tuyo ang lalamunan.. bakit hindi na lang kayo umisip ng ibang paraan para matakpan ang produkto nyo?! gusto nyo bang dumating ang araw na puro mga lalaking macho na lang ang kumonsumo ng produkto nyo?! yung mga tipong flex na flex mabuksan lang yang boteng yan?! nagtatanong lang po..

PS
nasaan na yung engineers nyo na naglabas nung mga boteng korteng tite?!

love and devotion,
mr. JON CABRON

megatransit 604

kung ikaw yung kunduktor nyan kaninang bandang alas dos alas tres’ alam ko mamaya lang magbibilangan na kayo ng kinita nyo maghapon.. dun mo matutuklasan kung sino ang nagsasabi ng tutoo’ ako ba na isandaan ang ibinayad ko o ikaw na nagpupumilit na sinkwenta lang kaya bente lang dapat ang sukli ko’ alam ko rin na mapapakamot at mapapangiti ka na lang pag lumabas yung tutoo’ magiisip ka kung paano mo maibabalik sakin yang sukli ko’ magiisip ka kung san mo ko hahanapin para makahingi ng pasenya.. pero wala ka ng magagawa magkikibit balikat ka na lang.. at sasabihin mo sa sarili mo na karapat dapat lang yung ginawa kong pagpitik ng bente sa mukha mo nung tanghaling yun’
ang gawin mo paguwi mo sa inyo.. yang extrang sebenti pesos na yan ipalaga mo sa misis mo tapos yung sabaw ipahigop mo sa mga anak mo’ ang kapal ng mukha mo!

yapak

 palakad lakad pa kayo ng nakapaa.. sus ginagawa ko rin dati yan pag nanghahablot ako ng sumbrero sa dyip! para mas mabilis ang takbo hinuhubad ko yung tsinelas ko kaya tigilan nyo na yan.. at tigilan nyo yang kakabuhat ng krus sa kalsada dahil kung gusto nyong magsisi sa mga kasalanan nyo dun kayo sa mga kwarto nyo.. magdasal kayo ng taimtim at mangakong hindi nyo na gagawin yung kung ano man yun.. dahil pag sa kalsada nyo pa ginawa yung pagtitika nyo.. ang lumalabas mas lamang na gusto mo lang makita ng mga tao na nagsisisi ka sa kasalanan mo.. wala silang pakialam dapat dun..
  at kung sasabihin mo sa kin na irespeto ko yung paniniwala nyo.. pwet este pwes nasa blog kita.. akin to kaya paniniwala ko lang ang dapat irespeto dito.. at kung magpapaka smart ass ka na dadalihan mo ko ng mga aral aral.. eto lang masasabi ko..
nakasulat na ang katawan natin ang templo ng espiritu santo.. kaya kontra yun na kailangan mong pahirapan ang katawan mo para maging kalugod lugod ka sa paningin ng diyos.. sabi nya pangalagaan daw natin yung templo nya.. one plus one’ ibig sabihin
pangalagaan natin yung katawan natin.. wag tayo manigarilyo, wag tayo uminom, wag tayo magpasok ng kahit na anong kemikal na makakasama sa katawan natin at higit sa lahat wag tayong magpaa sa kalsada at wag tayong magbuhat ng mabigat.. anak ng baka di mo ba alam yun?!

meyor

  ilang panahon na lang daw maisasakatuparan na yung ambisyon ni meyor na gawing DRUG FREE ang muntinlupa.. kaya iboto daw yung asawa nya para pumalit sa kanya ng sa ganun maituloy yung ambisyon na yun.. ang masasabi ko lang.. in your dreams meyor!
taragis na yan yung trapik nga lang sa alabang di mo masolusyunan na kung tutuusin one click lang magbabago na sistema ng daloy ng sasakyan dun’ yun pa kayang susugpuin mo ang kung ilang daang tulak at ilang libong durugista ng muntinlupa.. 
   makakapag tayo ka ng drinking fountain sa gitna ng disyerto gamit ang isang kahon ng posporo at mga papel de hapon pero hindi mo magagawang drug free ang muntinlupa.. ambisyoso!

sino si efren?!

natutuwa ba kayo pag habang nasa kalagitnaan kayo ng tulog galing sa 10pm to 6am shift
yung tipong bumabawi yung sistema mo sa magdamag na pagtatrabaho o pagtitig sa monitor.. biglang tutunog ang celfone mo.. may message daw’ syempre magaagawan yung tulog mode and reality mode sayo.. tatantyahin mo tuloy sarili mo’ iccheck mo ba yung fone mo o mamaya na’ ididiretso mo muna yung tulog?! syempre dahil tao ka.. normal na tao’ mas malamang sa hindi curious ka.. kung sino yun at kung ano yun.. dahan dahan ka ngayon tatayo para abutin yung fone mo.. o para sa akin kakapain ko lang ng nakapikit yung fone dahil malimit sa hindi nasa tabi ko lang naman yun.. nasa ilalim ng unan.. itaas ng ulo o nasa gilid ng kama.. tapos pag nakapa ko na dahan dahan kong ipipikit bukas yung mata ko.. tapos mababasa ko

sinong superhero ang hindi sikat?

eh di si efren

.. tangina! bakit may mga taong hindi marunong gumalang sa mga natutulog’ alas otso ng umaga?! halos isang oras pa lang tulog ko..  potah okei sige salamat   dahil nakaka alala sila pero pakingsyet naman.. pag nagising ako para nanaman akong manliligaw sa antok para dalawin ako ulit nun’ kaya hindi ko na kailangan sabihin na mas importante sakin ang matulog sa pagkakataong yun kesa malaman na may nakakaalala sa kin nung mga oras na to.. at sa punto ngang ito mas importante sakin magkamuta kesa malaman kung sino ang superhero na hindi sikat.. pakyu!

gudmorning pilipins

naisip ko lang kaninang umaga habang nasa bus.. byaheng pauwi galing sa midnight shift.. ang lamig ng hangin na pumapasok sa nakabukas na bintana.. nakaka antok’
 may sumabit na dalawang kabataan sa bus’ parehong may dalang plastik na nakatago sa ilalim ng damit nila.. hindi mahirap hulaan na rugby yung sinisinghot nila.. sa ganung oras ha! .. siguro yun na yung almusal nila.. pinapababa sila nung kunduktor na payat.. pero di sila natinag.. nasa may pinto lang naman daw sila at malapit na raw sila.. walang nagawa yung kunduktor.. kahit pa natatakot na yung ilang mga kasabay kong kolehiyala.. pero infairness mukha naman walang balak mag trip yung dalawang bangag.. naisip ko lang ano kayang pakiramdam ng rugby sa almusal?! sabi nila nakakahilo daw yun.. so ibig sabihin pasado alas sais ng umaga nagpapakahilo sila.. para makalimot daw sa gutom.. pwede nga naman’ pero pano pagkalipas ng tatlong oras pag wala ng amats ng rugby?! sisinghot ulit?! followup?! potah!
 sa may tulay sa expressway sila bumababa.. at infairness ulit sumigaw sila ng pasasalamat dun sa kunduktor.. heheh talo pa yung ibang mga may pinagaralan na walang modo ah’ .. sinundan ko sila habang naglalakad sila.. sumisinghot pa rin silang dalawa.. napansin ko dun sa nilagpasan nila may isang gripong nakabukas.. tapos may lumapit na nanay karga yung anak nya.. yung bata nakasando lang walang salawal.. hinugasan nya yung pwet ng anak nya dun sa gripo.. pagkatapos dumating yung isang anak nya.. umiiyak.. madaling hulaan na mas panganay yun kesa dun sa batang hinuhugasan ng pwet.. maya maya lumuhod yung batang panganay sa gripo tapos uminom sya gamit yung kamay nya.. yun na rin siguro yung almusal nya’ potah!
  tuloy ang byahe ng bus.. anlamig pa rin ng hangin..
   hindi kalayuan dun sa lugar na yun may umpukan ng mga nanay.. mga babaeng may idad na.. naninigarilyo pa yung iba habang nakaupo sa tindahan.. sila yung mga nagaalmusal ng tsismis.. tumitigil lang sila kakasalita pagmakikinig sa iba o pag naghihikab.. minsan nga hindi pa’ pinagsasabay nila yung paghikab sa pagsasalita lalo na pag nasa climax na yung kwentuhan..
nakakainis isipin na yung mga karakter sa mga tsismisan nila mga natutulog pa.. kung pwede lang mabilaukan habang natutulog malamang maraming sabay sabay na mamamatay sa bangunot nung umagang yun’ .. habang kuwentuhan isa isang maglalapitan yung mga anak nila.. may humihingi ng baryang baon.. may naghahanap ng medyas.. may kulang ang butones ng polo.. may bunsong nagsusumbong kse sinipa ni kuya.. ..nanghihingi ng pambayad sa project.. kalimitan yung mga anak nila pagmagkakasing idad lang malamang sa hindi magkakaklase pa yung mga yun.. kaya dagdag sangkap sa kuwentuhan ng mga nanay pa yun.. kung sinong anak ang pinakamagaling at kaninong anak ang pinaka mahina.. ang napatae sa eskuwelahan.. ang pinakamalibog.. ang pinakaguwapo.. ang amoy nana at amoy pulbos..
 .. unti unting kakalam ulit ang mga sikmura nila.. ng mga tsismosang nanay’ ng mga bata pabyaheng eskuwelahan’ mga tatay na may hangover pagkagising kaya sumusundot pa ng isang lapad.. mga rugby boys.. pero wala naman silang mapagpipilian.. daldal na lang ulit ng daldal.. singhot ng rugby.. iipitin na lang ng mga bata yung tyan nila para di maramdaman yung pagkalam.. si tatay nangangatwiran.. ang alak laman tyan din naman.. malalasing ka na mabubusog ka pa.. sa pagkain mabubusog ka nga di ka naman malalasing..
ganyan na lang ang ikot ng buhay nila.. araw araw.. tuwing umaga’
.. sa huli ang may pinakamasayang umaga.. yung may anak na nagsipag kagabi.. nagpuyat at sinuwerte sa kara krus kaya ngayon may kropek silang mag anak pangsawsaw sa mainit na tubig.. solb ang almusal’