pakyu world

isang relasyong kailangan ng matapos pero hindi pwede.
isang tiyuhing nakaratay sa ospital at naghihintay na lang ng oras n’ya.
at hindi lang s’ya basta tiyuhin sa akin.
isang pinsan na matagal ng itinakwil, pero hinahanap hanap.
pero walang makitang dahilan para makipag ayos.
depresyon na bumubulong na takasan na lang lahat.
pinakamabilis na paraan, at minsan… ‘yung na lang ang naiisip mong solusyon sa lahat.
perang patuloy na dumadating, para dumaan lang sa mga kamay mo.
mga maling desisyon na habang buhay kang hinahabol.
sa pagtulog mo, sa ilalim ng kama mo, sa trabaho, sa kusina, sa bus, sa loob at labas
.. pag mag isa ka lang.
mga sakit na iniinda mo pero hindi mo pwedeng ibulgar,
dahil sa mga bisyong hindi mo kayang talikuran.
mga isang damukal na sana at sana hindi na lang.
sampung dakot ng sana nuon pa, sana ayos na ngayon, at sana iba na bukas.
hahanapin n’yo rin ako pagkatapos ng lahat
.. lahat ultimo kaliit liitang bahagi ng pagkatao ko.

Shares 0

0 thoughts on “pakyu world”

  1. its like ra-iii-eee—yyynnn…on your wedding day..
    it’s a free ride when you’ve already paid…lalalala

    life is ironic kase kaya may mga `sana` atbp…

    kaya wag ka ng mag ano ano jan dahil syempre hahanap hanapin ka namin at yon eh kung mawawala ka.

    bye

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *