para sa mga lahi ni eba (isang pagkaklaro)

nitong mga huling araw naiintidihan ko na nakapagiwan ang ilang entry ko ng mapait na panlasa sa mga kababaihan at nakapagpa mantsa ng malansang imahe sa pagkatao ko, woman hater ba ako? chauvinista? o talagang asshole lang. at ngayon bilang isang tunay na lalaking matapat at maginoo, tumatayo ako sa inyong harapan partikular sa mga kababaihan para klaruhin ang bagay bagay at maiparating ko na rin sa inyo kung papaano kong hinahangaan at iginagalang ang mga katulad n’yong lahi ni eba.
ang totoo n’yan, malaki ang respeto ko sa inyo, dahil naniniwala ako na malaking kakulangan sa buhay pag wala k’yong mga babae sa tabi namin, katumbas ‘yan na walang kwenta ang paglalaba kung puro washing machine lang ang tatakbo at hindi na dadaan sa pagkukusot ng mga kamay n’yo.
hindi ko maimagine ang buhay na wala kayo, hindi ko maisip kung papano na ang mundo kung pag uuwi naming mga lalaki galing sa trabaho, kinakailangan pa naming mamalengke at magluto paguwi ng bahay dahil nga wala kayo. at hindi ko maimagine ang buhay tuwing akinse at katapusan na walang mga palad na nakatihaya sa harapan ko at matang nangungusap.
kung papipiliin ako ng uri ng kasariaan na pinakamasarap magluto ng sinigang, sa babae pa rin ako. kung matatrap ako sa isang isla ng isang buwan, babae ang pipiliin kong kasama at walang halong malisya ‘yun. dahil babae lang ang naiisip kong kasama na p’wede akong nakahiga lang sa buhangin, kumakain ng mga prutas na bagong pitas, habang sinusunod n’ya ang utos ko sa kanyang mangaso o manghuli ng isda sa karagatan. tatayo lang ako para umihi o tumae sa likod ng mga puno o sa malayong talahiban, at pagbalik ko matulin n’yang aayusin ang buhangin na paghihigaan ko para sa kumportableng siesta.
hindi ko rin naiisip na mahinang klase ng kasarian ang pagiging babae, nagkataon lang siguro na MAS matatag na uri ang lalaki sa kanila, at alam kong may kokontra sa sinabi ko na ‘yun kaya, binibini, relaks lang at pakinggan mo muna ‘tong sasabihin ko o kung ayaw mo, isara mo ‘tong blog ko, ishutdown mo ‘yang computer mo at bumalik ka na sa kusina.
may batayan ako kung bakit ko sinabi ‘yan. sino ba ang malimit nahohostage pag may mga napapraning sa kalsada o mga nagbabalak tumakas sa kapulisan? ….. kitams? bakit? dahil bukod sa hindi naman sila talaga lalaban, mahihina ang impact ng mga suntok nila at kahit pa magwala sila o lumaban, masasaktan lang sila. at isa pa naniniwala ako na pagkalaki laki at pagkabigat bigat na lakas ng loob pa ang kakailanganin nila para magtangkang lumaban, dahil alam naman nating lahat na isang sigaw lang sa mga ‘yan e nangingig na ang tuhod nila para sundin ang lahat ng gusto mo.
ok, ayoko namang lumabas na napaka ungentleman ko naman o mapanghusga, nagkataon lang siguro na ganyang urin ng mga babae ang nakakasalamuha ko, at hindi ko naman nilalahat s’yempre. hindi ko naman sinasabi na lahat ng babae ay ganyan kahihina dahil naniniwala pa rin naman ako na may mga babaeng matitigas naman talaga at may kahanga hangang lakas, tulad ni nancy navalta.

Shares 0

0 thoughts on “para sa mga lahi ni eba (isang pagkaklaro)”

  1. @ ms. ging
    pero.. kakabigay ko lang sayo ng abercrombay na sweater sa ukey ukey ah.
    at sana yung mga personal na pangangailangan, paki email na lang. tnxbye.

  2. di kaya mauuso sa tao yung sexual cannibalism pag la na silbi, chugiin na! Lols

    pde bang sex na lang tlga at semilya ang silbi ng lalake.. tutal, kadalasan, yun naman na ang case ..

    :nanginginig at nagdadasal na sa takot:

  3. Natawa ko dun ah. Actually, kung gusto mong magreklamo tungkol sa mga babae sa blog mo karapatan mo yun. Natatawa ako sa mga babae na nagagalit pag may nanglalait sa sangkababaihan pero matindi naman kung mag-generalize at mang-insulto ng lalaki. Patas lang di ba?

  4. hmnn akshuli, sa sex lang tlaga ako uma asa sa lalake, kung minsan nga, di pa rin! Lols

    pero cge, mas masarap talaga pag may lalake, at sabi ko nga, yun ang silbi nila di ba?

  5. @ mine
    teka sinasabi mo ba sa akin na kaya nyong magbukas ng takip ng palaman ng tinapay na hindi na magpapatulong sa mga lalaki? hindi ako naniniwala. woman!

  6. @ jon

    hehehe. bakit parang may galit ka sa lj? pero lilipat na nga ko, may domain na ko, kaso mahirap maglipat ng limpak limpak na entries galing sa lj. :roll:

  7. @ Miss choi pwede mag import/export punta ka lang dito click Pero kung more than 2gb na ang entries mo sa LJ, hindi ko na alam kung pano. hehehe.

    @JC parang katulong ang gusto mong babae. :p

    Pero I agree ako na mas matatag ang lalake. Pero pinaka matatag kayo pag may babae sa tabi nyo. :p yihiiii.

  8. Kgg. na Mr. Cabron, kung sakali bang ipagbukas kita ng bote ng redhorse using anader redhorse bottle o kaya kuchara, o kaya ipin na lang, eh maniniwala ka na kaya, na kaya kong buksan mag isa ang palaman ko sa tinapay?

    pero akshuli, di q lam yung pagsabihin mo sa palaman sa tinapay, de lata ba yun? may abrelata nmn di ba?

    ang mahirap bukasin ay yung mga bote ng preserves pero i can stil manage

  9. @ mine
    ah at talagang dinidebate mo ko ha! chizwiz ang tinutukoy ko. at naniniwala ako na kaya nyong magbukas ng bote ng redhorse.. pag inuutos naming mga lalaki sa inyo.

    bakit hindi na lang ganito, gumimik tayo minsan at pagdebatihan natin kung anu ano ang mga bagay na kaya nating buksan sa pamamagitan lang ng isang kamay, Y / N ?

  10. @ mine
    sabihin mo yan pag kaya nyo ng magbukas ng takip ng palaman ng hindi na aasa sa aming mga lalaki.

    lols! natawa talaga ako dito..ako kasi laging tagabukas ng mga bote ng palaman samin eh! haha! pati nga yung takip ng coke litro hirap pa sila…at kung patigasan talaga ang labanan dito. luluhod ako sa harapan ng babaeng makapagbubuhat ng 50 kilos na sako ng bigas sa ibabaw ng ulo nila.

  11. chizwiz ba , bigyan mo c misis ng kaprasong interior na goma, easyng easy yun, di ka na uutusan magbukas…

    gimik ? bk mapasubo ka, kol ako jan! Y !!!

    ==
    hindi ako naniniwala!

  12. “jon: bakit hindi na lang ganito, gumimik tayo minsan at pagdebatihan natin kung anu ano ang mga bagay na kaya nating buksan sa pamamagitan lang ng isang kamay, Y / N ?”

    “mine: gimik ? bk mapasubo ka, kol ako jan! Y !!!”

    yari na! magbubukasan sila ng mga bagay-bagay na gamit lang ang isang kamay! wooohoo! picture pleaseeeee!

    ==
    sa ngayon pa lang ayaw ng tumigil ng utak ko sa kakaisip ng mga bagay na pwedeng buksan sa pamamagitan lang ng isang kamay..

  13. hala, na-dare si mine. i agree with sexy maru… kung anik-anik din ang naiisip kong pwedeng mabuksan. hahaha.

    antipatiko lagi ang dating ng entries mo basta ang topic ay babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *