pareng *miguel

pag gising ko na nabasa ang tatlong mensahe na ‘yun sa telepono ko. dalawa ang nanggaling sa smart para paalalahanan ako na kailangan ko ng bayaran ang serbisyo nila at isa galing sa isang hindi pamilyar na numero.

” kamusta na? kinuha kitang ninong ng anak ko ha?”

nakaupo pa ako sa inidoro at gumagawa ng init para kalabanin ang lamig ng panahon nung nagreply ako.

” ah sige walang problema, sino ka? “

nasa bus na ako at bumibiyahe papasok ng trabaho ng nakatanggap ako ng sagot sa tanong ko.

“si *miguel, ninong ka ha! nakalista ka na, regalo ha! “

may dalawang oras na yata akong naka upo sa opisina nung naalala ko ang text na ‘yun, ako ang taong walang pinipiling anakin sa binyag. para sa akin malaking karangalan ‘yun na pagkatiwalaan kang kuhanin bilang pangalawang magulang ng anak ng isang kaibigan at hindi lahat ng tao nakakaranas makapag anak sa isang binyagan.

” ah ok *miguel, walang problema. ayos ‘yan. kelan ba? para makapag leave ako kung sakali. “

halos hindi pa nag iinit ang telepono sa loob ng bulsa ko matapos kong ibalik ‘yun dun pagkatapos kong ipadala ang huling mensahe.

nung isang araw pa ‘yun, ‘di lang kita nasabihan agad, pare.

nakaramdam ako ng mga apoy sa mata ko. naiwan akong tulala at obligadong bumili ng regalo para sa isang inaanak na hindi ko man lang napanood mabuhusan ng tubig ng isang mamang nakaputing palda o mabuhat man lang para sa kuhanan ng larawan habang nakangiti at nagbabait baitan, at wala man lang molestyahang naganap sa akin at sa isa sa mga ninang n’ya matapos ang inuman sa handaan na karaniwang nagaganap sa isang normal na binyagang ganun. hindi ko alam kung tama pa rin bang gamitin ang “solian ng kandila” pag ganito ‘yung sitwasyon.

* raffy ang tunay na pangalan n’ya.

Shares 0

0 thoughts on “pareng *miguel”

  1. solian na yan ng kandila.. ay di mo pa pala nakuha at nahawakan man lang yung kandila hehe.. kakainis yung ganun.. sasabihan ka after naku.. dedma na lang yan.. di naman tama yun..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *