pasas

hindi ako kumakain ng pasas at nate turn off ako sa isang ulam pag nakitaan ko ng lumulutang lutang na pasas. kayang sirain ng kahit isang butil na pasas na bigla ko na lang makakagat at mangangatas sa loob ng bibig ko ang gana ko sa kahit na anong napaka sarap na putaheng nasa harapan ko.
naniniwala ako na may paliwanag ang siyensya na hindi pa nga lang natutuklasan kung bakit ganun na lang ang pagkakatulad sa itsura ng pasas at ng tae ng kambing.

isang bagay lang ang may pasas na kinakain ko.

‘yung may gatas…

‘yung salad.

andumi ng isip mo.

Shares 0

0 thoughts on “pasas”

  1. ako, ayoko rin ng pasas sa ulam or kahit anong pagkain. pero nakakain ko naman yung ulam kahit may pasas. pinipilian ko na lang. pero weird, kse nung bata pa kami, pasas yung isa sa mga lagi namin minimerienda. yung california raisins.

    1. Yun po yung ordinary na macaroni salad. Sa probinsiya po kasi kapag gumawa sila non nilalagyan nila ng pasas, along with the fruit cocktails at iba pang ingredients. Hindi rin po ako kumakain ng pasas, kahit sa salad pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *