paulit ulit na lang

paulit ulit na lang.
may magpaparamdam ng paghanga sa akin.
mangangati ang utak ko,
hahanapin ko s’ya sa facebook o friendster
gamit ang email n’ya,
para malaman ang itsura n’ya.
hindi solong tao ang nasa primary pic n’ya.
lihim akong magdadasal na sana s’ya ‘yung isa.
maghahalungkat pa ako,
habang mariin kong hawak sa mga kamay ko ang panalangin na ‘yun.
at gaya ng mga nauna, mabibigo ako.
at iyan ang istorya ng buhay ko.,

Shares 0

0 thoughts on “paulit ulit na lang”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *