pta meeting

kailangan kong umattend ng teacher – parent eklavu bukas sa school ng anak ko, kailangan daw kse ng isang representative sa magulang pero pwede naman daw guardian kung gusto mong magmukhang ulila sa magulang ang anak mo, hindi daw kse pwede si mrs. cabron dahil advance OT s’ya sa trabaho, ayaw naman ng nanay ko dahil para daw matuto ako at makilala ng bagong teacher ng anak ko. ang mangyayari bukas, 7:30am ako dadating dito sa bahay tapos magpapaikot ikot ako para hindi antukin at para bumilis ang oras at pumatak agad ng alas nuwebe, anong klaseng pagpapahirap sa isang ama ng tahanan ‘yan? at dahil mauuna ang anak ko ddun at mag isa lang akong pupunta dun tinanong ko na sa kanya ang section n’ya at ang pangalan ng teacher n’ya, kaya bukas eksaktong alas nuwebe ng umaga makikipagkita ako kay teacher LUCY FERnandez, taenang pangalan ng teacher ‘yan.

Shares 0

0 thoughts on “pta meeting”

  1. wow! tatay na tatay ang dating! i miss you jon.

    midnight din ako sa work, anong account mo sa chat?? :grinnod:

    ==
    mr.joncabron
    – at kung hindi rin lang kalaswaan ang paguusapan natin e kalimutan mo na ‘yan.

  2. Bumenta sa kin yung Lucy Fernandez. Ano naman kayang problema ng magulang nun at ganun ang pangalan.

    ==
    bukas ko malalaman kung walang kwenta ang magulang nyo o nagkamali sya ng pagpili ng mapapang asawa.

  3. ang totoo niyan ay nakakakilig ang mga tatay na nagpupunta sa PTA meeting na di kasama yung nanay. it shows dey care

    ==
    ang totoo nyan kung may pagpipilian ako hindi ako pupunta dun, ang init kaya!

  4. at kung si LUCY FERnandez ay isang binibining sing kinis ni kristine hermosa, at sing ganda bango ni marimar, at sing lusog ni pauleen luna…..
    …pwedeng ako nalang ang mag representa bilang guardian ng anak mo?

    ==
    at kung ganyan ang teacher ng anak ko, magreresign nako sa trabaho ko at magtitinda na lang ng singkamas na may alamang o palabunutan na may premyong sisiw na kulay green at dilaw sa may gate ng eskuwelahan nila.

  5. hehe. baka napaglaruan siya ng mga magulang niya nung bata pa siya. o kaya naman nung nagpangalan sa kanya. hehehe. naalala ko bigla yung kaibigan kong pinangalanang NICOLE. ganda sanang pangalan… kaya lang eh lalake siya. =P

    off topic: nabasa ko sa ‘ang salarin’ na diretso ang guhit ng palad mo. haha. share ko lang na ang mga may down syndrome ay may single transverse palmar crease or simian line. wala naman akong ibang ibig sabihin. haha. sharing lang. =P

    ==
    ohhhhh’ alam mo bang nicole ang ipinapangalan ko sa kahit na sinong babaeng pinapantasya ko na hindi ko alam ang pangalan, at hindi ko na alam kung gagana pa ngayon yun. thanks to you

    kung ang basehan mo ng down syndrome ay yung tumutulo ang laway ko pag nagiisip ako at yung mga pagkakataon na hindi ko maipaliwanag kung bakit natatamisan ako sa kulangot ko… pwes, may down syndrome nga ako.

  6. it’s a nice venue to meet good-looking people :nod: sa school namin (since chinese ang estudyents) ang gaganda ng mga mommy nila. parang mga sobrang bata pa…malay mo.

  7. kamusta naman naging meeting nyo ng ni ms LUCY FERnandez? ayos naman siguro. nga pala jon, nabisita ko yung flickr mo at napasaya ako nito kaya sigurado masarap tulog ko nyan.

    ==
    hmmm marami pa kong alam na pwedeng gawing masaya bago ka matulog

  8. haha!ang ganda ng reply mo kay def!kung mangyari kaya ang ganun daddy pa rin kaya ang itawag sayo ng anak mo?

    ==
    baka mamang tindero na, pero la akong pakelam

  9. happy father’s day jon!

    di kita maimagine selling singkamas o di kaya yung palabunutan. hahaha.

    ==
    salamat! hindi mo maimagine? sus para sa pamilya ko, lahat gagawin ko!

  10. since late ako mag comment, so anu na ang naging mating este meeting ninyo ni lucy?

    ==
    ahhhm yung mommy nya ang sumama sa kanya, kse ang init sa labas.

  11. bossing ngayon lang ulit ako nakadalaw sayo dami na palang bago… natuwa naman ako sa name ng titser ng anak mo…nung elementary kami sa grade six, yung adviser namin LUZ C. FERrer… as in… wala lang umeepal lang

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *