sa babaeng gusto kong anakan… sa bus

kung mapapansin n’yo, bihira akong mag entry ng halos magkasunod na iisang tema lang, .. pero naisip ko na maliit ang posibilidad na mapansin n’yo ‘yun dahil aminin na natin na wala naman kayong mga pakialam sa’kin, mga demet!
dalawang magkasunod na araw na akong pumapasok ng nakatayo sa bus, pinaupo ko kse kahapon ‘yung nanay na may kasamang bata na papasok sa eskuwelahan ang itsura, at kanina dahil late na ako at wala na akong panahon para pumili ng masasakyan. habang nakatayo at pupungas pungas dahil nasobrahan sa tulog, ( alas otso pa lang kagabi tulog na ‘ko ) napalingon ako sa likuran at nakita kong nakaupo dun ang masasabi kong pinakamagandang babaeng nakasabay ko sa bus sa buong dalawampu’t walong taon ng buhay ko dito sa mundo. marami na akong nakasakay na magaganda at ‘yung iba nai entry ko pa nga dito,  pero iba ang babaeng estudyanteng ito, ngayon lang ako nakatagpo ng babae na unang tingin pa lang gusto ko na s’yang anakan at naisip ko ‘yan ng walang halong malisya. seryoso, kung ang paraan lang para mapa sa akin s’ya at hindi na maagaw ng iba ay ‘yung lagyan ko ng punla ang sinapupunan n’ya gagawin ko. kahit saan, at kahit kailan.
bumilis ang tibok ng puso ko at bumagal ang takbo ng lahat ng nasa paligid ko, at kung hindi pa pagmamahal ‘yun e ewan ko na lang. naisip ko na napakasarap sana ng bawat tanghali o hapon na umuuwi ako sa bahay at s’ya ang aabutan kong nagluluto sa maliit na kusina ng bahay namin, o mahimbing na natutulog habang naka suot ng manipis na pantulog…. at amoy shampoo ang buhok.
ginawa ko ang lahat ng paraan at diskarte para mapagmasdan ang lahat ng kilos n’ya at dahil nasa may bandang likod ko s’ya hindi naging madali sa akin ang lahat. andya’ng kamutin ko kunyari ang kanang tenga ko para otomatik na mapalingon ako sa bandang likuran ng kaliwa ko.. andun s’ya at nakatingin sa maliit na salamin na hawak n’ya at nagtatanggal ng muta. andung ihawak ko sa estribo ng bus ang kaliwang kamay ko at iuunan ko ang ulo ko dun na parang inaantok lang kunyari… andun s’ya at nagpupulbo habang nagtetext. ginawa ko ring amuyin kunyari ang deodorant sa kaliwang kilikili ko… andun s’ya at nakatingin sa labas ng bintana habang nililipad ng bahagyang nakabukas na bintana ang buhok n’ya. lahat ‘yan at marami pang ibang diskarte ang ginawa ko para lang sa ilang minutong mapagmasdan ko at magrehistro ang itsura n’ya sa utak ko.
hindi ko alam kung saan s’ya nagaaral, basta ang alam ko lang nakaputi s’ya at sa UN s’ya bumababa dahil nabasa ko ‘yun sa buka ng bibig n’ya nung kausap n’ya ‘yung kunduktor ng bus. hindi ko rin alam kung makakasabay ko pa ulit ang babae na ‘to. basta isa lang ang sigurado ako, gusto ko s’yang anakan kung ‘yun lang ang magiging paraan para mapa sa akin s’ya. at may kung ilang araw ding siguradong nakaprogram sa utak ko ang isipin na ‘yan.

… hindi ko s’ya nakuhang kuhanan ng picture dahil baka mahuli n’ya ko, at isipin n’ya pang manyak ako.

Shares 0

0 thoughts on “sa babaeng gusto kong anakan… sa bus”

  1. hmm… may nakaupo ako dating magandang studyante sa bus. ang ginawa ko, inabot ko ang cellphone ko sa kanya at isinenyas na basahin ang message na ginawa ko. nangiti sya, nagtype at ibinalik ang cell ko. viola, i got her number. hehe.. baka pwede mong gawin yun idol!

  2. duh…kung totoo na nagkakaron ka ng anak sa lahat ng babaeng pinagpantasyahan mo,ay naku dami mong panganay! :nod:

  3. dahil walang kalakip na larawan nung babae ang post na to, ang masasabi ko lang ay … isa na naman kathang-isip ‘to ni jon cabron. sadyang mapaglaro lang talaga ang isip mo, idol.

    1. pero kung babasahin mo ang twit ko —>
      ikaw lang ang laging laman ng isip ko.
      .. at umatake din ang lahat ng syndrome sa sistema ko nung nagentry ka tungkol sa boypren mo.

  4. at weird din sa pakiramdam na kumuha ng picture ng isang estranghero.

    sana nagpanggap ka nalang na nagtetext…

    …na patalikod.

    nyeh.

  5. dito lang po ako sa pinas idol. my point is hindi magtitiwala sau ang babae kung iisipin mo na itatakbo nila ang celfone mo. trust them first before they trust you.

  6. Kuya,

    di naman po masyadong halata na manyak ka:cool: , akalain mo nagawa mo pang i-blog na gusto mo syang anakan..he..he..:grin:

    talagan bang seryoso itong blog mo or naka drugs ka lang din katulad ni azrael? ahahay! :blush:

    Natuwa po ako! Kaya kahit sobrang bagal bago ako maka connect sa site mo binabalik balikan ko pa din ang mga blogs mo! iligo mo lang yan kuya, mawawala din yan!

  7. hindi naman nya mahahalatang manyak ka jon..kahit dito sa blog, walang halo ng kamanyakan ang mga bagay na naiisip mo sa kanya…

    pure innocence….

  8. my golay! tungkol ba dito ang blog mo?! AMAZING ha.. im impressed, nagbblog din pala ang mga “maniacs” sa bus at jeep at fx.. hehe

    babalik ako dito sa blog mo! AYOS!

  9. … hindi ko s’ya nakuhang kuhanan ng picture dahil baka mahuli n’ya ko, at isipin n’ya pang manyak ako.

    hindi importante ang iisipin nya..

    ang importante yung iisipin namen.

    at oo, manyak ka talaga!

  10. Hahahaha! Sana makasabay mo sya ulit sa bus, Kuya Jon.

    Dapat kunyari nagpicture ka ng sarili mo pero sa kanya nakatapat, tutal nasa likod naman sya. Tapos I-zoom mo nalang para nakatapat sa kanya. Haha. :

  11. UN? naka-puti? malamang sa EAC nag-aaral yun. hamo, pag kayo talaga pagtatagapuin kayo ng tadhana. ganyan na ganyang ang lab story namin ng ex ko. kaso iba naka-buntis sa kanya. taena.

  12. sana sinimplehan mo para makilatis namin yung chic. uhhmm hindi ka naman siguro ipakukulong sa pulis kung mukha lang yung pipicture-an mo diba? kung upskirt ibang usapan na yun.

    pero congrats kahit ilang minuto napasaya ka ng isang babaeng estranghero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *