sa lunes ng gabi

nakatanggap ako ng text kahapon lang galing sa isang kaibigan nung high school at kumpare dahil ninong s’ya ng anak ko. gimik daw sa sabado ng gabi kasama ‘yung isa pang kaibigan nung high school at kumpare din dahil ninong din s’ya ng anak ko. nagreply ako, sabi ko sa monday na lang ng gabi dahil tuesday ang off ko. sumagot s’ya, sige daw.
paguwi ko ng bahay kagabi dun lang lumiwanag sa akin ang lahat. yung isang kasama namin hindi umiinom kahit nung unang panahon pa, at itong nagtext matagal na rin na tumiwalag sa alak buhat nung yumakap s’ya sa isang relihiyon na sikat sa tv. naisip ko na ok nga ‘yun dahil tulad ng sabi ko sa dating entry ko at ipinangako ko sa sarili ko, hindi na ‘ko magiinom. ‘doh nakakadalawang suway na ‘ko sa ipinangako ko, seryoso pa rin ako na tuparin ko ‘yung bagay na ‘yun. pero naisip ko na kung gigimik kaming tatlo sa luner ng gabi, sa’n naman kami pupunta? 

  1. mag iikot sa mall? yuck! ambaduy.
  2. mag iistarbucks? ambakla!
  3. kakain sa jollibee, tapos maglalaro sa padulasan at swimming pool ng mga bola kasama ng mga batang amoy medyas?
  4. magpipiknik sa park at maghahabulan?
  5. raratrat ng bato? pero.. di na ‘ko gumagamit.
  6. pupunta sa bar, manonood lang ng banda at iced tea lang ang iinumin? demet! nakakatae ‘yun.

ewan ko, ayokong lumabas na masamang kaibigan pero seryoso, kung sa paglibot libot n’yong dalawa sa interweb at sa hindi inaasahang pagkakataon ay mapadpad kayo sa blog na ito at mahulaan n’yo na kayong dalawa ang tinutukoy ko.. nakikiusap ako. bigyan natin ng pabor ang isa’t isa, tigilan natin ang lakad na ‘yan. sa nakikita ko ngayon parang mas gugustuhin ko pang umupo na lang sa isang sulok sa gabi ng lunes, humawak ng yelo at pagmasdan kung papa’nong unti unting natutunaw sa kamay ko ang yelong ‘yun.. seryoso, pakiramdam ko mas mageenjoy pa ‘ko sa gagawin kong ‘yun.

Shares 0

0 thoughts on “sa lunes ng gabi”

  1. ikaw naman, give them a shot. baka naman talagang enjoy silang kasama, hindi man sila umiinom. pwede naman kayong:

    1. magsine (pero kung manyak sila wag na)
    2. magbaraha at mamulutan (coke na lang ipantulak nyo)
    3. mag-malling (pero isama mo si little cabron para makasingil sya sa ninong nya)

    pero kung wala ka talagang maisip na activity, magkunwari ka na lang na nagtatae ka.

    1. 1. ambakla at hindi ako mahilig manood ng sine.
      2. ahhm ano ‘yun lamay? kakagaling ko lang sa patay na lolo ko di ba?
      3. kabaklaan.

      ahhm sagradong bagay sa akin ang pagtatae.

  2. uhmm..naisip ko nga, baka prayer meeting yan.

    samahan mo narin ng SMB yung natutunaw na yelo.
    pero. lagukin mo. wag mo lang panoorin.

    (nagiging suki mo na ako dito.)

    1. nice idea! ..pero alam mo kung anong mas maganda? punuin mo ng maraming maraming yelo ang bibig mo para brain freeze, papano makakatulong ‘yun sa’yo? .. tsaka mo na malalaman. :nod:

  3. wala rin akong ibang maisip na makabuluhang bagay na pwede nyo gawin ng hindi umiinom ng alak.

    pero malay mo naman..lasenggo na sila. pero ganun pa rin wala pa ring buting maidudulot yun sayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *