sampung tips para sa ikaliligaya ng buhay pagibig

ikaw ba ay isa sa milyong tao na nasa loob ng isang¬† relasyon na pakiramdam mo ay nasa huling hininga na? isa ka ba sa nanghihinayang na lang o talagang ayaw lang bumitaw at naguguluhang nagiisip ng paraan kung papano maisasalba ang relasyon na ‘yan? o ikaw ba ay nasa kabilang grupo naman ng nilalang na ang hangad ay lalo pang mapabuti ang isang relasyon? pwes, magbasa ka. importante ‘to.

1. resolbahin ang problema bago matulog –¬† ‘wag mong itrato ang problema sa isang relasyon na katulad lang ng sakit ng ngipin na pag itinulog mo baka sakaling maging maayos na kinabukasan.
2. komunikasyon – iwasan mong magpalipas ng dalawa o higit pang araw na wala kayong komunikasyong dalawa. ‘wag mo s’yang sasanayin na hindi ka nakakausap dahil baka dumating ang araw na pag naghiwalay kayo magkikibit balikat na lang s’ya na parang wala lang.
3. tiwala – mahalin mo ang iyong pinagkakatiwalaan at pagkatiwalaan mo ang iyong minamahal.
4. pasensya at pang unawa – para hindi maubos ang pasensya mo sa karelasyon mo.. ‘wag laging pasensya ang gamitin mo sa kanya subukan mo rin yung “pang unawa”
5. bukas na isip – dapat mong malaman na kahit pa s’ya daw ang kapitan ng sarili n’yang barko, may mga pangarap at pangako pa din na hindi n’ya matutupad. nakadepende sa hangin at alon pa rin ang lahat at dapat mong malaman na walang nananalo sa kumbinasyon ng dalawang ‘yun.
6. kalayaan at karapatan – kalayaan na sabihin ang nararamdaman mo at karapatan n’yang isaboses ang naiisip n’ya. kung ayaw mo sabihin mo, kung gusto mo iparamdam mo. dalawang bagay ang kalimitang pinagsisisihan sa isang nasirang relasyon. una, ‘yung mga bagay na kung hindi mo sana kinimkim sa loob mo hindi sana maiipon at lilikha ng ganun kalaking pinsala nung sumabog na at pangalawa, ‘yung mga bagay na sana isinatinig mo na bago pa matapos ang lahat, bago ka pa mawalan ng oras at pagkakataon.
7. paalala – pudpurin mo ang dila mo o hayaan mong mabura ang letra ng keyboard mo kakapaalala sa kanya kung gaano mo s’ya kamahal. idikdik mo sa kukote n’ya ‘yan!
8. pagpaparamdam – itrato mo s’yang sanggol at dedede s’ya sa ‘yo.
9. hahaha – pasensya na wala lang talaga akong maisip na.
10. mga dapat – dapat pala sinabi ko na lang nung una pa lang na pito lang ‘yung tips ko, hindi sana ako naobliga kumumpleto ng sampu.

at sa huli.
‘wag kang matakot magmahal at masaktan, ‘wag kang matakot mabuhay at matuto.
bubuhayin ka ng pagmamahal at tuturuan ka ng kabiguan, ‘wag kang mag alala
hindi ka malulugi.

Shares 0

0 thoughts on “sampung tips para sa ikaliligaya ng buhay pagibig”

  1. isa sa mga entries mong seryoso. medyo seryoso. pero oo tama lahat ng nilista mo sir. for sure ginagawa mo ito kay Mrs. Cabron ano?

    sana meron ding sampung lista kung paano mapapanatiling masaya ang buhay pag-ibig ng isang single. di pwede? k. thnxbai.

    1. ginagawa ko? ahhhm hindi ako nagbabasa ng blog ko e haha
      also, hindi na kailangan ng sampung lista kung papano mapapanatiling masaya ang buhay ng isang single, isa lang… SALTIK!

  2. tips galing sa isang lalake na nambababae?

    hmmn.. mukang may pinaghugutan kaya may katuturan…
    and sana nga, practice wat u preach or else, papa don’t preach! lols

  3. tips mo tong mga to, pero ginagawa mo ba?

    sobrang guilty ako sa #1. minsan, tinutulog ko na lang pag magkaaway kami ng mr. antuken ko. malimit kse, pag-gising sa umaga, di yun makakatiis. mangangalabit din. hehe. downside, di pa rin napagusapan ang pinagkatampuhan the previous day. ayos lang, masaya naman ang gising eh. hehehe.

  4. tama po mga sinabi nyo sir!!! sana mahanap ko na po ung taong magmamahal sa akin. Nagmahal po ako ng sobra-sobra sa isang tao akal ko ay kaya nya ring suklian un pero hindi pala. Ginawa ko naman po ung mga sinabi nuo pero bakit ganun, bigo po ako. D pa rin sapat sa kanya, d ko pa rin siya napapsaya, d siya na kontento at hinanap pa sa iba. O baka may kulang pa sa ginawa ko? Ganunpaman, masarap na masakit ang magmahal… totoo yon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *