scandaloso

habang nasa byahe kahapon pauwi, dalawang mag syotang nagaaway ang nakita ko. una nung nasa jip ako, nagulat ako sa sigaw ng isang lalaki
“sige putang ina ka, sumakay ka! sa loob kita ng jeep bubugbugin!”
.. hindi kumibo yung babae, sumakay yung lalaki sa jip na sinasakyan ko at nung paandar na yung jip namin at nakayuko syang kumukuha ng pamasahe nya, biglang tumakbo palapit yung babae at hinablot yung sumbrelo nya at ibinato sa lupa, tapos pinag aapakan.. bwahah’ gusto kong humalakhak nung mga oras na yun, pero naisip kong malamang mainit ang ulo nung lalaki at umiiwas akong makipag away sa lalaking may tattoo na ginamitan ng indian ink.
habang nasa bus naman ako sa may bandang quirino, paliko pa lang yung jip sa may lugar nila, naamoy ko na yung away, nagsasalitang nakapamewang yung lalaki habang hindi nakatingin yung babae na nagkakamot ng siko. tumigil yung bus sa may tapat nila para mag puno ng pasahero. nakita kong hinubad nung babae yung singsing nya at pinipilit ipaloob sa naka kuyom na kamay ni lalaki. pero di tulad nung unang mag syota, tahimik lang ang away nitong dalawa. tumalikod si lalaki, hinawakan sya sa braso nung babae tapos pinipilit pa rin ni babae na kunin nung lalaki yung singsing na inaabot nya, sa wakas kinuha nung lalaki yung singsing.. ibinato sa gitna ng kalsada sabay sakay ng jip. naghintay ng pagkakataon yung babae na lumuwag yung sasakyan para makuha nya yung singsing, pero nung nakita nyang nasagasaan na, pumara na rin sya ng jip at sumakay.
.. tsk tsk, magba valentines pa naman’ pano na kayo nyan? magkabati man kayo nyan bago mag araw ng mga puso, wala na yung singsing at wala na yung sumbrelo. naalala ko nagkaron din ako ng ganyang relasyon dati, pero hindi naman sobrang brutalan sa kalsada. mahilig lang din akong mag walkout, pag pagod na kong mangumbinsi o pag ayoko ng makipag diskusyon., naaalala ko na ang tawag sakin nung mga putarages na nagsososyalang mga kaibigan ng ex ko dati e walkout king,
bukod pa sa “the short men” jon. taenang babae yun, kiss and tell kase.
pero nakakamiss din yung ganun kahit papano yung paputukan ng fuse, at yung mga pataasan ng pride at pagkatapos pagalingan gumawa ng paraan para magkaayos na hindi halatang masyadong nagbaba ka ng pride.
bente otso na ko ilang buwan na lang, lumalabo na ang chance ko na magka girlfriend ulit ng nakauniform ng eskuwelahan at naka medyas. tsk. pero bukod dun isa pang dahilan kaya ko gustong bumalik sa mga idad na ganun, para back to zero ulit ang nicotine level sa sistema ko.. kumbaga sa negosyante, magsisimula pa lang akong mag invest ng mga iba’t ibang sakit. exciting pa ang buhay.

Shares 0

0 thoughts on “scandaloso”

  1. ay shucks, naalala ko tuloy yung eksena ko nung college
    nag walkout drama ako, kaso pag labas ko sa may resto nkita ko na natangay ko pala yung isang buk nya, so inihagis ko lang, nakita pala ng guard, pinulot at hinabol ako at ibinibigay sakin, sabi ko di sakin, itapon nya kung gus2 nya

    kakamot kamot ng ulo c manong ng abutan ako nung bf ko at hinihingi yung libro sabi ko kunin nya sa guard, taz ni wen2 sakin na ng kinuha nya eh pinagtawanan p xa ng guard! Lols

  2. isang beses ko lang sinubukan mag walk out muntik pa ko masagasaan.. Kundi lang nya ko hinatak malamang wala ng menggay na nagb-blog ngayOn, nabawasan ng isang cute sa mundo… hehehee

    Naku! nakakatakot naman si guy 1 bubugbugin daw hala…manginginig na siguro ko sa takot nun…

    sana nga mag kabati na sila lapit na balentyn

  3. pag nakakakita rin ako ng mga ganyang eksena eh gusto kong tumawa ng malakas kaya lang baka sakin mabaling yung galit ni lalaki..hehe! pero nakakaawa yung babae parang gusto mo tulungan.

    malapit na nga valentines. gastos na naman.

  4. May nagawa na din akong ganyang eksena, sa sobrang galit ko nasigawan ko si ex sa may kalsada at sabay sakay nya ng jip, hayun after that night di na kami nag-usap at nauwi sa hiwalayan hehe….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *