sepilyo

color chart ilan ang kulay sa buong mundo? humigit kumulang isang linggo na siguro na pakiramdam ko parang may nagbago sa sepilyo ko sa bahay, parang nagbago yung hagod sa bagang ko’ pero naisip ko baka naninibago lang ako kse dalawa yung sepilyo na ginagamit ko, isa sa banyo namin at isang nasa bag ko, gamit ko sa trabaho’
napansin ko din na parang bago yung itsura, madiin kse ako magsepilyo kaya yung bristle ng tutbrush ko laging iwa iwarang agad, hmmm baka may nagkusa na magpalit ng green ko na tutbrush.. kanina paguwi ko galing sa trabaho, gutom na gutom ako, di ko na nakuhang magsepilyo, kain agad ako ng tirang ulam nung hapunan, habang kumakain, lumabas sa kwarto ang nanay ko at nagsepilyo.. lumabas sya ng cr habang nakasaksak sa bibig nya yung sepilyo dahil may tinatanong sya, taragis! para kong nabilaukan ng napansin ko na kulay green din yung ginagamit nya, takbo agad ako sa banyo sa pag asang sana mali ako at dalawa ang sepilyong green dun.. parang gusto kong ituloy yung pagbara ng pagkain sa lalamunan ko nung nakita kong iisa nga lang ang may ganung kulay na sepilyo sa lalagyan, sumigaw agad ako!
JON: putarages! bakit mo ginagamit yan? sepilyo ko yan!
GNG. CABRON: gago! akin to, kakabukas ko lang nito, nung lunes!
JON: eh asan na yung ginagamit ko?
GING. CABRON: ewan, baka nalaglag..
JON: tangenang yan, ang ginagawa nyo lang naman sa sabitan ng sepilyo, kunin yung sepilyo nyo isaksak sa bunganga nyo tapos ibalik yung sepilyo.. bakit kailangan na may malaglag na sepilyo ng may sepilyo dun?
GNG. CABRON: aba! ewan ko!
JON: hindi ko na alam kung pano ko pa matititigan ang sarili ko sa salamin’
GNG. CABRON: ang arte mo, bakit kelan mo pa ba ginagamit yung sepilyo ko?
JON: isang linggo na, hindi ko lang maidescribe sayo kung gaano ko nadidiri sa sarili ko ngayon!
seryoso, gano ba kadami ang mga kulay sa mundo? anong klaseng nanay ang tutulad sa kulay ng sepilyo ng anak nya?

Shares 0

0 thoughts on “sepilyo”

  1. kaya kami sa bahay color-coding kami ng mga totbras namin. pink sa doter ko. at blue sa anak kong lalaki. ako, green lang talaga lagi ang binibili kong totbras. yaan mo na yun, nanay mo naman yun eh. galing ka nga sa tiyan nya di ba?

  2. nyahahaha… ayan nakabawi din sayo si gng. cabron hahaha. sa susunop pa-engrave mo pangalan mo sa tutbras para sure kang sayo

  3. hehehehe! buti nga sayo! pero isipin mo din bestpren.. naghahalikan naman kayo ni mrs. cabron.. kaya ok na na mahiram mo tootbrush nya! waaaa!! hehehe!

    ==
    ahmmmmm, di bale kaibigan pa rin kita!

  4. Aha! Kaya pala di ka na nag-tutbras kanina sa WP forum nyahahaha! Okey lang yon mahal. Imaginin mo na lang kung saan ka dumaan nang ikaw ay kanyang iniluwal sa mundong ibabaw. O di vah, lesser evil ‘yon? mwahahahaha!

    ==
    mahal din kita, wag ka ng magsalita’

  5. Alam kong masama ang loob mo at naghihimutok ka at batid ko rin ang bigat ng atrasong yan sayo ni Gng. Cabron, peron Jon, kaibigan, pilitin mong mapatawad siya. Ina mo pa rin siyaaaa!!!

  6. hehehe para walang agawan.. type mo pangalan mo sa kokongban tapos gupitin mo tapos lagyan mo ng skatztep tapos iikotikot mo sa tutbraz mo, yaaaan may name tag ka na

  7. may solusyon dyan, intoducing the super kengkay tips — ibabad mo ng 3 mins ang sepilyo sa mouthwash, alis lahat ng virus. ganon din gawin nyo kapg katapos ng cold or flu…

  8. (after kengkay’s advise) or keep your toothbrush away from everyone else’s toothbrush. ako, i keep it in my room. may times din kse nagkakapareho kami ng nanay ko ng kulay, mahirap na. hehe.

  9. hahaha kamusta naman yun. ako nga ako lang ay may green na tutbras (pareho tayo ng kolor) pero minsan nagtataka ako kung bakit kadalasang basa yung saken. pucha.

  10. kaw tala cabron…pag sepilyo ng mga “kaibigan mong babae” oks lang sayo maki-share…peace!

    ==
    ahhhhm, pwede ko bang lagasin ang mga ngipin mo sa pamamagitan ng sungalngal?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *