si manong pasahero

pag upo ko pa lang napansin ko na ang lalaking ‘yun sa may pinto ng jeep, dinaanan ko ulit s’ya ng tingin at hindi ako nagkamali sa inaasahan ko. nakatingin pa rin s’ya sa akin, sa mismong mga mata ko. otomatik ang pag taas ng dalawang kilay ko kasabay ng pagsungaw ng isang alanganing ngiti sa sulok ng bibig ko. sakit ko na ang maging makakalimutin sa pangalan at pag aalinlangan sa mukha ng isang tao lalo na pag minsan ko lang ‘yun nakausap at wala naman akong interes sa kanya, lumapit s’ya sa tabi ko at nangamusta.

Manong Pasahero: kamusta na, san ka nagtatrabaho ngayon?
Jon Cabron: ayos lang, sa maynila.
(hindi pa rin ako sigurado kung san ko nakita si manong)
Manong Pasahero: ahh panggabi ka?
Jon Cabron: oo e.
(parang hindiĀ  talaga pamilyar sa akin)
Manong Pasahero: akala ko naga abroad ka?
(dun ko naisip na baka napagkamalan n’yang ako ang kapatid ko, malimit mangyari ‘yun)
Jon Cabron: ahhh hindi ako, ‘yung kapatid ko ‘yun.
Manong Pasahero: ganun ba.. kamusta na sila dante, nakakasama mo pa ba?
Jon Cabron: hindi na e, busy na kase.

ang totoo, wala akong kilalang dante at wala din akong natatandaan na kakilala ng kapatid ko na may ganung pangalan, kaunti lang naman ang kaibigan nun kaya madalas sa hindi e kilala ko ang mga nakakasama n’ya. nahihiya naman akong salungatin si manong para sabihin na napagkamalan n’ya lang ako.
may mga binanggit pa s’yang mga pangalan na talagang hindi ko kakilala.
pagdating sa alabang nagpaalam na s’ya, sige daw pare at ikamusta ko na lang daw s’ya sa tropa ang sagot ko naman sige pare, ingat ka!
hanggang sa naglaho na s’ya sa paningin ko. hindi pa nakakalayo masyado ‘yung sinasakyan kong jeep ng kinuha ng mamangĀ  drayber ang atensyon ko.

Mamang Drayber: kilala mo ba ‘yun?
Jon Cabron: parang.. pero hindi ko matandaan.
Mamang Drayber: hindi nagbayad e’ sa san pedro pa sumakay ‘yun! ikaw sana ang sisingilin ko kung kakilala mo.

.. hindi naman ako tinuluyan singilin ni mamang drayber, pero mula pagbaba ko sa kanya at habang nakasakay na ako sa bus tulala pa rin ako. iniisip ko,
ako lang ba o talagang parang ginamit ako ni manong pasahero para ‘di s’ya makapag bayad. parang antanga ko din minsan e.

Shares 0

0 thoughts on “si manong pasahero”

  1. napakahusay na style nun ah! obvious na ginamit ka talaga nya para makalibre sa pamasahe..ibang klase na talaga diskarte ng mga tao ngyon..

    mukha ka sigurong approachable. haha!

  2. ayosss un ah! prang nka rugby lng
    ..pro s totoo lng mhirap nmang magbintang pro bka style lng tlaga un sir,s dmi ng nbanggit nyang pngalan wla k nmang ntatandaan n may kkilala kng gnun.
    …approachable k pla sir

  3. Style yan. Ganyan ginagawa ng mga kikil sa Monumento e. Makikipag kwentuhan sa’yo, parang kilala ka. tapos hihingan ka lang ng pang-inom. Kakaliabitin ka, tapos pag tumingin ka, sasabihin “Kumusta na?” Ikaw naman mahiaiaya sasabihin mo ok ka lang. kukwentuhan ka tapos biglang sasabihin “Natatandaan mo si Raffy? birthday niya ngayun! Mag bigay ka naman, pan dag dag sa beer” Syempre, dahil nakakwentuhan mo. mahihiya ka tumangi kasi akala mo, kilala mo siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *