taragistagish

isang taon na din ang nakalipas nung binuo ko sa utak ko ang konsepto ng taragistagish sa tumblr, kumbaga sa isang establisimentong itinatayo pa lang hilaw at kulang ang mga materyales na ginamit sa proyektong iyon, isang halimbawa dun ang unang display picture na ginamit ko.. larawan ng pusa, isang hayop na kung hindi ko sisipain ay walang halaga sa akin. taragistagish na yata ang isa sa may pinakasimpleng disenyo sa tumblr, puting kabuuan na kusang pinagdamutan ng arte kaya sa tingin ng iba kung iyon ang pagbabasehan parang hindi daw pinagisipan pero para sa akin ikinukumpara ko ‘yun sa isang opisinang walang kagamitan sa loob bukod sa mesa at upuan na mag aalok sa’yo ng trabaho pero kailangan mo munang maglabas ng pera at dahil nga konti ang laman ng opisina pagkakuha n’ya ng gusto n’ya sa’yo madali silang makakalipat ng ibang lugar, fly by night.
natatawa pa rin akong paglaruan sa isip ko kung ano kaya ang tumatakbo sa isip ng mga karamihan na lumabas sa taragistagish, sa paningin nila ako ang kawawa at walang magawa sa buhay samantalang malinaw na sila ang mas nanlilimos ng atensyon. sila ‘yung mga kinakailangan pang magpakita ng laman nila para lumimos ng pansin sa internet at kanino nila hinihingi ‘yun? sa mga lalaking walang ginawa kundi mag abang ng huwebes para makakita ng hubad na katawan.
at nagkataon lang na andun din ako hindi para maghanap ng inspirasyon kundi para maghanap ng pagtatawanan at sa oras na lumabas sila sa blog ko ako na ang bastos at walang respeto, hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon kung papaano naging kasalanan ang magpaka captain obvious sa mga bagay na alam na alam na naman ng lahat. ang pagkaka iba lang namin ng mga pumupuri sa inyo ay ‘yung intensyon, dahil hindi katulad nila hindi ako naghahangad na bilugin ang ulo n’yo para lang makaiskor sa inyo pero alam mo ba ang “masakit” na pagkakapareho naming lahat? ang masagwa sa paningin ko ay masagwa din sa mga mata nila pero ako lang ang may boses na sabihin ‘yun ng harapan sa’yo. Continue reading “taragistagish”