tanong sagot 31

Mga paboritong tanong sagot galing dito.

T. kaylan ka huling nagdasal?
S. kagabi, ewan ko kung anong meron kahapon pero buong araw akong nagtiis para gawin ‘yun pakiramdam ko kase ambigat bigat na ng nasa loob ko pero nasa opisina ako buong araw at hindi nagtutugma ang pagkakataon at lugar para dun kaya pag uwi ko sa bahay ibinuhos ko lahat lahat habang may tumutulong luha sa mga mata ko. ..sorry ang unang basa ko “nagsal*al” magdasal ba? hindi ko na maalala.

T. anu ba dapat gawin pag ung ex mo na may asawa na, ikaw pa din tinatakbuhan pag may problema siya tapos pati nanay nia nagkwekwento din sayo ng problema nila ng manugang nia?
Snatural depende ‘yan kung nagtapos naman ang relasyon n’yo na nagkasundo kayong maging magkaibigan e asahan mo ng ganyan nga ang mangyayari pero sa lahat ng bagay tandaan mo kung hindi ka kumportable e umangal ka.

T. bakit ayaw mo pakita mukha mo? cute ka kaya? hmmm..
S. hindi importante ang mukha o itsura ng nagsusulat para maitawid n’ya ang gusto n’yang sabihin para sa mambabasa n’ya, kumbaga sa gera ang manunulat ‘yung sundalo na bumabaril sa hangin patama sa mambabasa na hindi n’ya nakikita at mas gusto ko na sa minsan na masasapul kayo ng bala ko ang unang pumasok sa isip n’yo ay galing ‘yun sa isang mandirigmang sundalo at hindi sa kung anong kulay o itsura nung may hawak ng baril.

T.naexperience mona ba magtikol sa opisina o public na lugar?
S. gago ka ba! bakit ko sasagutin ‘yan e kung mabasa ‘yan ng nanay ko .. o kaya ng boss ko?! ulul!

T.idol ka para sakin the way you carry yourself pati pagnagsalita ka na aamin ako na most of the time ginagamit kitang inspirasyon sa diskarte sa chicks. salamat idol isa kang alamat!
S. salamat, madalas na inspirasyon ko din ang sarili ko tuwing dumidiskarte ako sa “chicks” at awa naman ng swerte wala pa naman sablay lalo na pag hindi naman ganun kagandang babae ang pinaggagamitan ko n’yan.

T.pano ko po malalaman na my ibang karelasyon ang boyfriend ko?
S. typo error ka ba at ang gusto mo talagang itanong ay kung papaano mo makakalimutan ang boypren mo na may karelasyon ng iba? tama ba? ipagpalagay natin na tama ako. pwes, makipag relasyon ka sa akin at ‘wag mo ng intindihin ang manlolokong ‘yun.

T. may lalaki na bang nakahawak ng itlog mo? hahaha
S. masyadong malawak ang tanong na ‘yan, lalaking naka gwantes na panduktor ba ang tinutukoy mo o bakla na may suot na makapal na gintong bracelet?

T.papaano mo masasabi na masarap ka?
S. ganto ‘yan, papaano mo malalaman kung masarap o hindi ang ulam sa karinderya? tignan mo kung gaano karami ang isang order, pag madami masyado ibig sabihin hindi masarap kaya pinapaubos na, pag talo naman ang dami ibig sabihin kumpiyansa ang nagbebenta na kahit kaunti ang bigay tiyak na tatangkilikin. gets? hindi pa rin? 3 inches lang ang ano ko dahil ayaw ng diyos na maimpacho ka kung gaano ako kasarap.

T.gaano mo ‘ko kamahal?
S. katulad ng pag ibig ng patatas sa  cd na installer ng microsoft office.

T.masarap kaba sa kama?
S.  medyo mahirap sagutin ‘yang tanong na ‘yan dahil pag sinabi kong oo lalabas na nagyayabang ako at pag sinabi kong hindi p’wede mong tanggapin ‘yun na nagpapaka humble lang ako, bakit hindi na lang natin baguhin ang tanong? ano ang eksaktong size pag gusto mong gumawa ng wallpaper para sa iphone, ok ba ‘yan? 320 x 240, walang anuman.

T. ano ang dahilan kung bkit ka uminom?
S.hmmm maraming dahilan ‘yan pero maniwala ka kalimitan nauuhaw ako kaya ako umiinom.

T. hindi ko alam kung nakikita ko lang sayo yung ugali ng ex ko pero parang hayok na hayok akong makilala ka. Oh di kaya makita kahit larawan mo. Natutuwa ako sa takbo ng kokote mo na tumutugma rin sa takbo ng utak ng ex ko. to be continue..
S.ayokong makipag kita sa isang taong hayok na hayok na makita ako. iyan ang sigurado.

T.nasaan na ang nanay ng anak mo? At tunay bang may girlfriend ka?
S.masyadong malawak ang tanong mo, bakit hindi natin gawing simple lang?
papaano ba magluto ng lucky me pancit canton?
1. magpakulo ng dalawa’t kalahating tasa ng tubig.
2. ilagay ang noodles sa nangangalit na kumukulong tubig.
3. pagkalipas ng tatlong minuto, hanguin ang noodles.
4. salain at itapon ang tubig.
5. ilagay sa plato o mangkok ang noodles pagkatapos maihiwalay sa tubig.
6. ilagay ang mga sangkap (toyo at panlasa)
7. haluin.
8. lagyan ng nilagang itlog kung nais.
9. ngumiti.

T.ang hirap mag mahal kapag mahal rin ng barkada mo noh?
S. mahirap manloko ng babae kung mahal ng barkada mo ‘yung babae. pero ‘yung magmahal ng mahal ng barkada, hindi.

T. Anlaki na ng itinaba ng utak ko kakabasa ng patuka mo. Maraming salamat. S. katulad ng sinabi ng max’s restaurant matapos ang pamimigay nila ng pritong manok.. kung nabusog kayo, napasaya n’yo ako.

T.bkit kulay dilaw c spongebob???
S. dahil intsik s’ya. loljke.

T.sino ang idol mo sa pagsusulat ng blog and influences na rin? thanks
S. ‘yung totoo, mayabang pakinggan pero wala. madaming magaling at marami akong nababasa na talagang napapatunganga ako sa husay pero mas nagagalingan ako sa nabasa ko mas iniiwasan kong balikan ‘yung blog na ‘yun. dahil aminin man natin o hindi paniguradong sa mga susunod na entry mo malamang may impluwensya na nung nabasa mo. madalas nakukunsensya ako pag ganun na matapos kong magsulat at habang sinisimulan kong basahin ‘yung sariling gawa ko, hindi ko na mamukhaan ang sarili ko.  hindi ko kailangan ng impluwensya para ikuwento ang buhay ko o buksan ang isip ko sa inyo. mayabang pero totoo.

T.putang inamo cabron mamatay kana..
S. tangenamo din, maghiwalay na sana mga magulang mo.

T:magbigay ka nga ng patunay na meron ngang diyos ? at hindi yung patunay na base lang sa self expirience mo. kalimitan kasi ganun ang naririnig ko. yung patunay na kapapaniwalaan ng lahat. yun di ko pwedeng lapatan ng butas.
S: sabi ni hesus, mapalad ang naniniwala sapagkat may nakikita, subalit higit na mapalad ang naniniwala kahit walang nakikita.
sa totoo lang kalokohang sagutin ang tanong mo dahil alam kong nakahanda kang hanapan ng butas ang kahit na anong isasagot ko, tipikal na tao.
inimbento ng mga matatanda ang mga kwento tungkol sa mga aswang at multo para pagsapit ng gabi matatakot na ang mga batang lumabas at magpakalat kalat sa daan. ginawa ni rizal ang aklat n’ya para mabuksan ang mata ng mga kababayan n’ya laban sa hindi magandang trato ng mga kastila sa mga pilipino at ginawa ang kwento tungkol sa diyos para naman matakot ang mga taong gumawa ng kasamaan kapalit ng pangakong kaligtasan. madaling sabihin na gawa gawa lang nga pero mas mabuting mamatay na naniniwala at sa huli mapatunayan  na umasa lang pala sa wala, kesa mamatay ng walang pinaniniwalaan at gulatin ng katotohanan sa huli sa mismong harapan n’ya.
kapatid, matakot ka hindi sa presensya ng apoy kundi sa init nito.
also, walang salitang “expirience”. tnxbye.

T.wat do pipol like u get in blogging??
S. malaking bagay sa isang katulad kong maingay magisip at mahilig maglaro ng mga salita ‘yung mabigyan ng kapirasong puwang sa internet para may mapaglatagan ng mga ‘yun. at ‘yung bonus? ‘yung magkaron ng mga mambabasa at mapatunayang may kinapupuntahan ‘yung mga ipinagingay at pinaglaruan ko.

T.hindi kba nahihiya sa daughter msa mga blog mo?
S. hindi, bakit ko ikakahiya ang kalayaan kong maipahayag kung ano ang mga  gusto kong sabihin? naniniwala ako na matalino ang anak ko para matimbang n’ya ang seryoso at kalokohan, ang dapat at hindi dapat gawin. katulad ng naging pagpapalaki sa akin ang kaparehong kalsada na pinagaakayan ko sa anak ko, sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin basta siguraduhin mo lang na kaya mong ipaglaban at panindigan ‘yun. masama magmura pero depende sa mumurahin at sitwasyon. kung mapariwara man ang buhay ng anak ko, naniniwala ako na sapat ang talino n’ya para hindi isisi ‘yun sa kung papaano magsulat ang ama n’ya.

T.  paano maging isang joncabron?
S. hmmm ‘wag kang iinom ng malamig pag umaga.

T.bakit may mga taong walang isang salita? may mga taong di tumutupad sa pangako?
S.minsan hindi naman ginugusto ng isang nangangako na hindi tuparin ‘yung naipangako n’ya nagkakataon lang talaga na minsan may mga pagkakataon na nawawalan s’ya ng paraan para tuparin ‘yun. kung madalas kang mabigo pagdating sa mga nangangako sa’yo sa susunod ‘wag kang masyadong umasa. pag hindi natupad ayos lang, pag natupad.. jackpot.

T. ibbreak mo ba ang girlfriend mo kung immature sya? kahit mahal na mahal mo sya?
S. hindi, hindi ako masyadong nageexpect ng maturity sa isang grade 6.

T.love ko ang friend ko
S. hmmmm pero pareho kayong lalaki, tama ba? lols

T.isnt it sad dahil sabi mo 3inches lang ang dick mo?
S. alam mo kung ano pang mas sad maliban sa impormasyon na ‘yan? hindi mo ito matitikman.

T.magaling ka bang mag english
S. none po.

T.anong magandang anniversary sa girl friend ko?
S. ganto ang gawin mo, kung kelan ka n’ya sinagot ‘yun ang piliin mong anniversary n’yo.. oo, ganun talaga kalimitan.

T.bakit hindi na umeepek sakin ang imodium?
S. dalawa ang inumin mo, apat na araw kang safe. haha

T.i miss you.
S. hindi kita kilala pero sige i miss you din, ‘di ka na nagtetext!

T.ilang taon ka nung nag pa tuli ka? kwento mo naman sa blog mo.haha asahan ko yan muakang masaya.
S. pagkagraduate yata ng elementary, hmmm normal lang naman ‘yung nangyari nung tinuli ako bukod sa ang akala nung duktor e napilayan ako kaya ako nakahiga dun sa kama sa clinic. nung sinabi ng nanay ko na magpapatuli ako nagulat ‘yung duktor “ay akala ko paa ‘to” .. ‘yun lang, bye.

T.Paano ba maging manhid?
S. upuan mo ‘yung kamay mo ng matagal, hintayin mong mangimay.

T.any suggestion on how can i look for a unique name for my twitter acct.??
S. madali lang ‘yan, open mo ‘yung notepad mo tapos pahiran mo ng mantekilya ‘yang keyboard mo tapos kumuha ka ng pandesal. ihilamos mo ‘yung pandesal dun para makuha mo ‘yung palaman. ‘yung mabubuong letra sa notepad mo kadalasan e masisiguro mong walang katulad ‘yun.

T.posible ba na maging magkaibigan ang isang babae at lalake ng talagang magkaibigan lang?
S. pwede, pag panget at mataba ‘yung babae.

T. tuli ka ba?
S. oo, mahabang mahaba. …sorry, nagkamali ako ng basa akala ko kung “tula” ba ako.

T.anong musical instrument ang natutugtog mo at anong paborito mong kanta gamit yun?
S. utot, starry starry night

T.hindi ka ba natatakot sa pagawa ng mga bagay na may kinalaman sa pambabae?
S. bakit hindi na lang ang matinding takot ko sa ipis ang pagusapan natin? takot na takot ako sa maliit na insektong ‘yun, hindi ko alam kung dahil sa itsura n’yang mukhang naka helmet at naka kapa o sa angkin n’yang bilis o dahil sa pag nagapangan ka ng paa n’yang may matutulis tataas ang lahat ng balahibo mo sa katawan.

T.may asawa’t anak ka na ba? Sayang
S.kukuwentuhan kita,isinama ako dati ng isang kaibigan sa probinsya nila sa may parteng nueva ecija. nagulat ‘yung nanay n’ya na dinatnan namin dun kase hindi man lang daw nagpasabi ‘yung anak n’ya na luluwas s’ya dun, hindi man lang tuloy s’ya nakapaghanda ng pagkain nakakahiya at may bisita pa naman daw na kasama.. ako nga. sabi nung kaibigan ko kahit ano na lang daw na meron dun at sinegundahan ko naman na oo nga, tutal pagod din naman kami sa byahe kaya baka hindi rin kami makakain ng maayos. napagdesisyunan na lang ng nanay n’ya na magtinola, tamang tama daw dahil maniba na ‘yung bunga ng tanim nilang papaya, ayun daw ang masarap ‘yung alanganing hilaw at alanganing hinog. isinama n’ya akong manghuli ng manok sa likod ng bahay nila.. ang hinuli n’ya ‘yung nakatali, itinanong ko kung bakit hindi na lang ‘yung mga nakaalpas na pagala galang manok ang iluto n’ya nakakahiya naman dahil mukhang alaga ‘yung nakatali kase.. ang sagot sa akin ng nanay n’ya mas mabuti na ‘yung nakatali kase malinis hindi tulad ng mga manok na gala kung anu ano ang tinutuka n’yan sa kung saan saan at isa pa mas madaling hulihin ang nakatali.
tapos, ayun ansarap ng tinola.
.. ayun lang naman, ano nga ulit ang ikinakasayang mo sa tanong mo?

T.bakit magaganda lang kinakausap mosa twitter isang taon nakong follower kahit minsan di ka namansin?
S.

Shares 0