ubo

pag nasa bus tayo, kahit pa gaano ka kayaman o kasosyal lahat ng kasakay mo sa pampublikong sasakyan na ‘yun, kalevel mo lang. dahil kahit pa manager ka o may ari ng isang kumpanya, sa batas ng sasakyan na ‘yun pare pareho lang kayo ng rate ng bayad per kilometro. pare pareho lang ang halaga n’ya sa paningin ng kunduktor at drayber.
nakasakay ko kaninang umaga ang isang babaeng muntik ko ng sapakin ng todo sa sintido, kung hindi lang ako mahuhuli na sa trabaho at kung sakaling wala lang batas sa mundong ‘to. ang dahilan, habang pinapakawalan ko ang ika- anim na ubo ko yata para sa byaheng ‘yun pinaypayan n’ya ko ng panyo n’ya na para akong isang tisikong may tatalsik na plemang lahat ng tamaan na tao ay matutunaw. maayos naman ang itsura ko at may hawak naman akong panyo na itinatakip ko sa buong mukha ko hindi lang sa bibig pag umuubo ako.
at pag pakawala ko ng isang tunog basag na speaker na ika-pitong ubo… tumayo s’ya, umirap, at lumipat ng upuan.
iniisip kong obligado akong mapahiya, pero hindi ko magawa. bihirang maapektuhan ang moral ko ng mga pangit na babae.
hanggang ngayong magiisang oras na ang nakakalipas at nasa opisina na ako, nagsisisi pa rin ako kung bakit hindi ko s’ya sinundan sa upuan, umubo ng malakas, idura ang plema ko sa kamay ko.. at papatunayan ko sa kanya kung bakit ako tinawag na spiderman nung bata pa ako.

Shares 0

0 thoughts on “ubo”

  1. hayaan mo na ang mga delikadong baboy. pero tama ka, dapat inubuhan mo pa lalo! hanggang sa maamoy na nya kung ano ang hapunan mo kagabi.

    uso ubo, hanggang ngayon meron pa ako tsaka si little neptune, pagaling ka ha.

    ***extra note:
    kung bus lang ang pag-uusapan mas naniniwala akong mas mabait ang mga lalaki sa ordinary bus. mas willing silang magpaupo kesa sa mga lalaki sa aircon bus.

  2. hahaha. baka mahina ang baga nya. takot na takot mahawa. malay mo diabetic, shempre, mahirap dapuan ng sakit ang mga diabetic, kung anu-anong komplikasyon ang pwedeng mangyari.

    hahaha. i-justify daw ba ang ka-artehan ng pasaherong yun. dapat nga sinundan mo. pang-asar lang. hahaha.

    get well soon.

  3. wow naman, dinalaw mo ako sa aking balur Mighty Jon Cabron… oo wala ng sasarap pa sa buhay na malaya…

    add mo na rin akichiwa sa blog roll mo pwede? para maka move on na ako…

  4. minsan daming OA talaga sa mundo. dito naman yung mga imported kong mga pamangkin ang medyo OA — kapag yung mga little kengkays e umubo sa harap nila, diring diri na sila at mega paypay na agad sila at tatakbo sa malayo na akala mo naman e kung anong virus yung ihahatid sa kanila. kainis, hmpf! kaya naman mga sakitin kasi nga super OA.. pero kapag hindi sila OA e mabait naman sila, biglang bawi e

  5. pa-sosyal lang cguro ung babae na un, ewan ko lang kung ano strategy kung siya ang nasa kalagayan mo… cguro pag inuubo siya ng maplema, pinipigilan niya ng sobra dahil ayaw niyang may umirap sa kanya, at sa kakapigil niya bigla nalang siyang hihimatayin. hmmmnn… :nod:

  6. kung ako siguro yung katabi ng babae, pagtayo nya uubo ako ulit tapos sabay sigaw ng “miss wala akong TB! kahit tingnan mo pa panyo ko walang dugo. see? see? see?” sabay abot sa kanya ng panyo ko.

  7. Pingback: hisap konek

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *