umay

alam mo kung anong ibig sabihin ng nakaka umay? nakakasawa. ‘yung tipong konti na lang nun masusuka ka na. nakakapag laway dahil hindi ka na makalunok.

bibigyan kita ng halimbawa:
nakakaumay ang adobo pag iyon lagi ang ulam mo. ok pa s’ya sa umaga hanggang gabi pero pag kinabukasan naka adobo ka pa rin masusuka ka na.

nakakaumay ang mukha ng lahat ng ex mo sa facebook.
lalo na pag kasama n’ya ‘yung ipinalit n’ya sa ‘yo.
at mukha silang masaya.

eto pa..

pag nalaman ng iba na IT ka, nakakaumay ang karaniwang mga tanong na:

1. ahhh e ‘di magaling kang mag computer?
2. magkano ba ang isang buong computer ngayon?
3. may printer na ‘yun?
4. bakit kaya ‘yung computer ko sa bahay bigla na lang hindi nabuhay?
5. ano bang latest na scandal ngayon?
6. meron ka nung kay hayden at vicky belo?
7. s’ya ba talaga?

nakakapag laway.

Shares 0

0 thoughts on “umay”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *