wag ka mangelam!

shutdapak wag mong ipakain sa iba yung sarili mong suka.. yung hindi mo maipatupad sa sarili mo wag mong ipatupad sa iba.. at wag mong harangan ang diskarte ko dahil inday, hindi ka mananalo sakin.. at wag ka ng magtangka, wag mong hayaang mawala pa yung natitirang katiting na respeto ko sayo’
okei, granted na wala naman sakin yung pakialam mo nandun sa isang tao, pero siguro naman alam mo naman na maaapektuhan ako, sana man lang respeto lang.. tinimbrehan mo man lang ako..
pag nagbibigay ka ng payo dapat laging option lang yung binibigay mo hindi ‘yon dinidikta.. wag mong itago sa likod ng isang kaibigang handang dumamay ang pagiging diktador mo’ sinabi nga ng pantas kung sino ang walang kasalanan sya ang unang bumato.. lumayo ka sa nasasakupan ko’ at tumigil ka na.. maupo ka sa isang tabi, humarap sa laptop mo, magpalaki ng pwet mo.. gumawa ng bago mong nick, magchat, mag alt tab sa trabaho pag andyan si bossing, mainlove, magpainlove, magpakarir.. at maging masaya..
hindi idinisenyong ganyan ang tenga at bibig mo dahil para lang palamuti sa ulo mo,
kaya ganyan kalapit yang dalawang yan para madali mo marinig ang sinasabi ng bibig mo..
o’ and please wag ka rerekta sakin na ako ang sasabihan mo dahil hindi ako tumatanggap ng pangaral sa mga kumplikadong bagay pag hindi ko naman hinihingi..

at sa huli..
wag mong tanggalin ang kapirasong muta ng kaibigan mo gamit yang kamay mong galing sa pwet mo!

Shares 0

0 thoughts on “wag ka mangelam!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *