‘wag ka na

pag ginawa mo na lahat at wala pa ring kinapuntahan. inubos mo na ang buong p’wersa mo at hindi pa rin naging sapat, palayain mo na s’ya. iyon ang pinakamalaking pabor na magagawa mo sa inyong dalawa, ‘wag mong itali sa’yo ang isang taong hindi mo naman kayang pasayahin at ‘wag mong igapos ang sarili mo sa isang taong ibinigay mo na lahat pero hindi pa rin sapat.  ‘wag mong sayangin ang oras mo sa kanya kung nararamdaman mong sinasayang mo lang ang buhay n’ya sa’yo, maawa ka sa sarili mo at manghinayang ka sa mga taong naghihintay na tanggapin ka kahit ano ka pa. lahat ng tao may katapat, hindi mo kasalanan kung hindi ka naging sapat.
‘wag kang magbuhos ng sobrang pagmamahal sa isang taong hindi ka naman panghihinayangan pag nawala ka. ‘wag mong hayaan ang kahit na sino na ituring kang “ok na ‘yan, kesa wala”

Shares 0

0 thoughts on “‘wag ka na”

  1. walang tao na ‘ok lang’ level, they should be either good or bad for you..

    ganon pwedeng gawing simple ang mga pagpipilian sa buhay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *