wag mo sanang masamain

nakakatakot ang mga kabataang internet, pagketatapang. madali magkapangalan sa pagpapanggap na matapang ka kung ‘yan ang gusto mo pero may isang problema d’yan
… baka hindi mo mapanindigan, kid.
at alam mo kung saan kalimitan sumesemplang ang mga naggagaganyan? ‘yung kahilawan ng pinaglalaban mo na sa bandang huli dahil wala ka naman pinaghuhugutan, iikot ka rin sa kamay n’ya. papano ka lalaban kung ginalit mo lang naman ang sarili mo dahil ang totoo hindi ka naman talaga apektado?paikot ikot lang, nasabi na nung mga unang tao ang mga sinasabi mo ngayon. inuumpisahan mo pa lang ngayon ang matagal ng natapos ng iba. anong mabubuo mo sa ganyan? kung wala ka rin lang bagong maipapakita, payong kaibigan tumigil ka muna. ‘wag kang magpaapekto sa galit na binuo mo sa sarili mo. pag isipan mo ang mga sasabihin mo para ako naman bilang nakikinood e mag enjoy kahit papa’no. dahil seryoso, .. sa nakikita ko walang patutunguhan ‘yan, nagmumukha ka lang namamalimos ng pansin. at habang nagpapakita ka ng tapang at nasa mali ka namang lugar, nagmumukha ka lang tanga.

‘wag mo sanang masamain.

Shares 0

0 thoughts on “wag mo sanang masamain”

  1. hmmm..hindi naman siguro ako yan?kasi hindi naman ako matapang..ahehe

    ahmmmm kwetyon po!

    panu ba ko masasama sa po sa blogroll mo po?

    ayun lang po…salamat po :blush:

  2. hmmkei. paulit ulit nalang.
    hmmkei. paulit ulit nalang.
    hmmkei. paulit ulit nalang. SPAAAM! hahaha. o di parin ba tumigil yung ano? o iba na to? siguro next entry para naman sa mga tsismoso na katulad ko. hahahah

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *