withdrawal method

pangkaraniwan ng followup na tanong sa unang tanong na “ilan na ang anak mo?” ang tanong na “oh bakit hindi n’yo pa sundan?” kadalasan, sasagot ako na mahirap kase ang buhay, mahirap din magpalaki ng anak lalo ngayon na pareho kaming nagtatrabaho ni mrs. cabron. .. na kadalasan mauuwi lang ang usapan na ‘yun sa kesyo mas maganda pag sunod sunod ang anak dahil tatanda kayo na parang kapatid mo lang ‘yung mga anak mo kaya masusubaybayan mo talaga ‘yung paglaki nila, na kesyo mahirap pag malaki ‘yung agwat ng idad dahil maninibago na naman sa panganganak si misis.
sa totoo lang, madaling harangin ‘yang tanong na ‘yan e, medyo hindi lang magandang pakinggan. pero sa sitwasyon ko, eto ang realidad..

isang tipikal na manananong: ilang taon ka nang may asawa, jon?
Jon Cabron: sampung taon na
isang tipikal na manananong: bah antagal na pala, ilan na ang anak n’yo?
Jon Cabron: isa pa lang
isang tipikal na manananong: oh? bakit hindi n’yo pa sundan? sayang naman, ambabata n’yo pa tsaka parang kawawa naman si polin nun, walang kalaro.
Jon Cabron: alam mo kung gaano ka imposible na masundan ang anak ko?
isang tipikal na manananong: hmmm?
Jon Cabron: nagwiwithdrawal method kami..
isang tipikal na manananong: ‘di naman accurate ‘yun ah
Jon Cabron:
nagwiwithdrawal method kami.. ng kamay ko.

Shares 0

0 thoughts on “withdrawal method”

  1. alam mo, minsan, nakakayamot yang mga ganyang tanong. parang hellers, bakit? kayo ba bubuhay sa anak ko? kayo ba ang gigising ng madaling araw? ang mapgpapasuso, ang magpapa-aral??? parang STFU kayo ever!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *