wtf?!

eto seryoso, kakagising ko lang at kanina pa may bumabagabag sa isip ko. dahil ‘to sa panaginip ko kanina..

ako lang ba o talagang normal na minsan may panaginip ka na parang hindi naka focus ng tama ‘yung camera sa senaryo? sa panaginip ko kase kausap ko daw ‘yung nanay ko sa may kusina, malinaw na naririnig ko na pareho kaming nagsasalita pero ang nakikita ko lang ‘yung lalagyanan ng mga plato at baso namin sa may lababo. ang weird talaga, ganun ‘yun hanggang magising ako kaya pagmulat ng mata ko may labinlimang minuto siguro akong tulala at nakatitig lang sa kisame bago ako nagpasyang bumangon na para umihi.

nangyayari ba talaga ‘yun? sa loob ng tatlumpung taon ngayon ko lang naranasan talaga ‘yan. at seryosong sasama ang loob ko at bababa lalo ang tingin ko sa pagkatao ko kung malalaman ko na ako lang ang nakaranas ng ganyang kawirduhan sa mundong ‘to.

Shares 0

0 thoughts on “wtf?!”

  1. yup..noon, katabi ko gf ko matulog nang mapanaginipan kong ginising ko na raw sya at umaga na. very clear yung picture sa panaginip pati paligid pero yung sa part sa gf ko malabo, rinig na rinig ko mga sinabi ko.pagkatapos noon nagising na ako, at ginising ko gf ko…napa isip ako, bakit ko inulit? natulala ako at inisip na napanaginipan ko yung sunod na mangyayari.

  2. normal lang yan sir cabron. ako nga nuon eh kinakausap din daw ako ng barkada kong babae sa panaginip pero ang nakikita ko lang eh boobs nya. yun.

    normal lang naman yun diba?

  3. nangyari na sa akin yan.. dalawang beses na ata? hanggang nagising ako pilitko pa rin iniisip yung kadugtong na mangyayari… parang FINAL FANTASY!! waaahhh!!

    pero yung dejavu madalas mangyari sakin un…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *